aaron + the royal priests şarkı sözleri
Ang iyong mukha'y nagniningning
Hindi ko maalis sa'king isipan
Ang iyong kagandahan
Hindi matutularan
Sa tuwing ika'y dumarating
Nag-iiba takbo ng kapaligiran
Buong kalawakan
Ay hinahangaan
Ang isang katulad mo na parang bulalakaw
Na nagbibigay liwanag sa kalangitan
Taglay mong kagandahan ay hindi pangkaraniwan
Ang hiwaga ng aking nadarama
Itinatangi ka ng sangkalikasan
Ang samyo ng iyong ngiti
Nagbibigay ng kulay sa'king buhay
Ito'y dalisay, totoo at tunay
Sa dagitab ng iyong bawat galaw
Ako'y parang gintong natutunaw
Ika'y hiyas na 'di ko matitiis
Pintig ng aking puso'y bumibilis
Sa isang katulad mo na parang bulalakaw
Na nagbibigay liwanag sa kalangitan
Taglay mong kagandahan ay hindi pangkaraniwan
Ang hiwaga ng aking nadarama
Itinatangi ka ng sangkalikasan
Ang isang katulad mo ay parang bulalakaw
Na nagbibigay liwanag sa kalangitan
Taglay mong kagandahan ay hindi pangkaraniwan
Ang hiwaga ng aking nadarama
Ang isang katulad mo ay parang bulalakaw
Na nagbibigay liwanag sa kalangitan
Taglay mong kagandahan ay hindi pangkaraniwan
Ang hiwaga ng aking nadarama
Itinatangi ka (Bukod-tangi ka)
Itinatangi ka (Bukod-tangi ka)
Itinatangi ka ng sangkalikasan