abrhm itaas şarkı sözleri

Itaas mga kamay, para sa mga pangarap Ipunin mga gabay, mga aral na nakalap Matagal man ang hintay, malabo na bumigay Sa langit lamang ilagay, itaas mga kamay Itaas mga kamay , para lahat mahagilap Negatibo ihiwalay, kahit na gaano kahirap Pahirapang sumakay, sa gitgitan ay sanay Hanggang lahat ay sumabay. itaas mga kamay Dumadaming malakas lalo lang nakakagana Ganyan na nga madalas, hinahamon ng tadhana Kanya-kanyang paraan at tinatahak na daan Lahat ng dapat ay gawin para lang mapagaan Kahit na pagsabayin ang trabaho't pagrarap Tumingin lang sa salamin at sabihin sa kaharap Eto ang iyong napili na parang bayong ni Willie Ihanda lang ang sarili na mangwasak sa harap Anuman ang iharang ay pawang panandalian lamang Habang tinutupok yan lahat ng mga nagbabagang barang Aarangkada parang gulong na walang kalang Walang paggalang na dala babala sa mayayabang Hubugin ang talento nang tagumpay ay mayari At hawakang maigi parang controller ng Atari Nandirito lang sa spot, di ko gustong maging hari pakay ko lang ay yung pot sa dulo ng bahaghari Itaas mga kamay, para sa mga pangarap Ipunin mga gabay, mga aral na nakalap Matagal man ang hintay, malabo na bumigay Sa langit lamang ilagay, itaas mga kamay Itaas mga kamay , para lahat mahagilap Negatibo ihiwalay, kahit na gaano kahirap Pahirapang sumakay, sa gitgitan ay sanay Hanggang lahat ay sumabay. itaas mga kamay Malay mo na lang bigla, biglang dumami ang views Maging Henry Sy sa yaman, mabalita sa news Maging Hennessy yung dating gin bilog at juice Maging jetlag na yung simpleng byahilo lang sa bus Di dapat pumapayag na hindi umaabante Katamad na mabakante, di pwedeng mag-pakampante Sibak lahat ang mga kupal pati arogante Walang sinabi mga harang 'pag pangarap ga-higante Sa letra ay galante, mga tago na dyamante Pasok lahat ng tira kala mo si Bustamante Sa sarili namuhunan parang isang negosyante Isip ay laging bukas habang buhay estudyante Nagpatuloy lang na nakaabang sa bawat hamon ng kahapon hanggang ngayon palaban Pinagyaman ko lang kung ano ng dating laman (dating laman) Karne sa bungo ang baon ko patungo sa taas, ako naman! Itaas mga kamay, para sa mga pangarap Ipunin mga gabay, mga aral na nakalap Matagal man ang hintay, malabo na bumigay Sa langit lamang ilagay, itaas mga kamay Itaas mga kamay , para lahat mahagilap Negatibo ihiwalay, kahit na gaano kahirap Pahirapang sumakay, sa gitgitan ay sanay Hanggang lahat ay sumabay. itaas mga kamay
Sanatçı: ABRHM
Türü: Belirtilmemiş
Ajans/Yapımcı: Belirtilmemiş
Şarkı Süresi: 3:06
Toplam: kayıtlı şarkı sözü
ABRHM hakkında bilgi girilmemiş.

Fotoğrafı