atev musika şarkı sözleri
Sa bawat tingin
Ako'y naaakit mo
'Di mo alam ang nararamdaman ko
Ililihim ang mga dalangin
At idadaan sa musika
Sa bawat tugtog sana'y nakikinig
Patagong liham sana'y napapansin mo
Aking sinta, kailan maaangkin
Pusong payak mo'y iingatan ko
Ang nais ko'y makasama ka
Hanggang sa pagtanda nating dalawa
Ang tinig ko'y ibubuhos
Kahit pa ako'y halos na mapaos
Idadaan sa musika
Sa bawat tugtog sana'y nakikinig
Patagong liham sana'y napapansin mo
Aking sinta, kailan maaangkin
Pusong payak mo'y iingatan ko
Iingatan ko
Iingatan ko
Iingatan ko
Sa bawat tugtog sana'y nakikinig
Patagong liham sana'y napapansin mo
Aking sinta, kailan maaangkin
Pusong payak mo'y iingatan ko
Sa bawat tugtog sana'y nakikinig
Patagong liham sana'y napapansin mo
Aking sinta, kailan maaangkin
Pusong payak mo'y iingatan ko

