bandido nanlaban şarkı sözleri

'Di ka na naihahatid sa paguwi 'Di na tulad ng dati Na tuwing pagkatapos ng ng klase Unli lugaw muna bago tayo bumyahe Iba na kasi ngayon nagbago na ang panahon Sa kalsada bawal na magpagabi Pag hinatid ka pa baka 'di na ako makauwi... 'Di na makauwi nang buhay Gabi narin kasi kung matapos ang iyong klase 'Di rin malapit ang Sta. Mesa sa Cavite Kaya no choice ako kundi mauna sa paguwi Babawi nalang sayo pag nagkita tayong muli Mahal kitaaaaa Pero ako'y nangangamba Mahaba kasi ang buhok ko Malalim ang mga mata May tattoo ako sa braso Hikaw sa kaliwang tenga Madaling mapagbintangan Pwedeng sabihing nanlaban Alam mo naman ang nilalaman ng balita Sabi ni tatay maraming biktima ng tamang hinala Payo niya sa 'kin kung maari umuwi ng maaga Kahit 'di gumagamit mukha raw akong nagdodroga Mahal kitaaaaa Pero ako'y nangangamba Mahaba kasi ang buhok ko Malalim ang mga mata May tattoo ako sa braso Hikaw sa kaliwang tenga Madaling mapagbintangan Pwedeng sabihing nanlaban Mahal kita Mahal ko din yung nanay ko Mahal ko din yung tatay ko Yung mga kapatid ko ambabata pa non Biruin mo yun hindi pa ako nakakagraduate papatayin na ako May kumakatok sa pintuan na hindi ko kilala Paano kung dalhin ako sa lugar na hindi ko alam Sabihing my bitbit akong droga di ko alam kung ilan Mahal kita yan ang lagi mong tatandaan Mahal kitaaaaa Pero ako'y nangangamba Mahaba kasi ang buhok ko Malalim ang mga mata May tattoo ako sa braso Hikaw sa kaliwang tenga Madaling mapagbintangan Pwedeng sabihing nanlaban
Sanatçı: Bandido
Türü: Belirtilmemiş
Ajans/Yapımcı: Belirtilmemiş
Şarkı Süresi: 5:05
Toplam: kayıtlı şarkı sözü
Bandido hakkında bilgi girilmemiş.

Fotoğrafı