cahliwete hanggang dulo şarkı sözleri
Isang araw ay dumilim ang langit
Mga ibon ay di na nag si-awit
Ang buhay na ramdam mo sa paligid
Tinitiis ang dulot na pasakit
Ngunit
Ang ngiti mong kay tamis
Kahit naghihinagpis
Ay dudulot ng iyong pagbabalik
Dahil
Di natapos ang lahat
Sa bigwas na di sapat na
Tiklupin ang iyong panalangin
Ahunin mo
Sugurin mo
Kalabanin mo'ng kinabukasang
Di dapat sayo
Itapon mo
Iwanan mo
Kalimutan mo ang alaalang
Tumapak sa iyo
Lalaban tayo hanggang dulo
Alikabok na dinala ng hangin
Mundo ngayo'y nanonood sa atin
Di na alam, ano bang sasapitin
Sa bukas na naghihintay sa atin
Tayo'y lulubog ma'y tatayo
Ganto man ang panaho'y
Titingala at muli pang babangon
Ahunin mo
Sugurin mo
Kalabanin mo'ng kinabukasang
Di dapat sayo
Itapon mo
Iwanan mo
Kalimutan mo ang alaalang
Tumapak sa iyo
Lalaban tayo hanggang dulo
Ganto man ang
Senaryo ay
Hindi 'to nalalayo
Sa tunay na buhay
Ganto man ang
Senaryo ay
Hindi 'to nalalayo
Sa tunay na buhay
Ganto man ang
Senaryo ay
Hindi 'to nalalayo
Sa tunay na buhay
Ganto man ang
Senaryo ay
Hindi 'to nalalayo
Sa tunay na buhay
Ahunin mo
Sugurin mo
Kalabanin mo'ng kinabukasang
Di dapat sayo
Itapon mo
Iwanan mo
Kalimutan mo ang alaalang
Tumapak sa iyo
Lalaban tayo
Woh oh woh ooohhh
Lalaban tayo
Hanggang dulo