ces collado tayo şarkı sözleri
Naaalala mo pa ba ang nakaraan
Halos di nga tayo nagpapansinan
Sino nga bang mag-aakala na tayo ay
Hahantong sa ganito, kayrami na nagbago
Naalala mo pa ba ang nakaraan
Hinding-hindi ko iyon malilimutan
Simula nung tayo'y nagkakilala
Hanggang walang hanggan
Di mapigilang mapangiti sa tuwing naaalala
Di na nga maibabalik pa ang dati na tila
Nagsilbing daan sa panibagong mundo
Na kinulayan natin ng tuwa't saya
Sabay nating harapin ang bagong yugto ng ating buhay
Di ko lubos maisip na ikaw at ako
Magtatagpo sa mapaglarong mundo
Minsan mapapaisip ka nalang "bakit tayo pa?"
Pero wag na baka magbago pa ang isip mo
Di mapigilang mapangiti sa tuwing naaalala
Di na nga maibabalik pa ang dati na tila
Nagsilbing daan sa panibagong mundo
Na kinulayan natin ng tuwa't saya
Sabay nating harapin ang bagong yugto ng ating buhay
Maraming salamat po sa pagmamahal at pagtitiis
Maraming salamat po sa pag-iintinding walang mintis