dabii pluto (isang liham) şarkı sözleri
Isang mundong nakatingin
Sa iyo, sa malayong
Ibayo ng sangkaarawan
Pinagmamasdan bughaw at luntian
Mong ganda
Kinulayan ang buhay
Nais na makilala ng tunay
Mundo, sa malayo
Kumikinang, nangniningning
Sa kadiliman
Ng kalawakang kinatatayuan
Isang planetang 'di maabot
Umiikot sa sinturong puno ng bato
Ninanais mapansin kahit na malayo
Ang pagtingin, buo parin ang pusong
Umiikot sa sinturon, tuwang-tuwa
Pagnakita ka na sa gitna ng liwanag
Sumasayaw sa ilalim ng mga tala
Oh, Mundo
Sana ang landas ko
Ay sa iyo
Ang tungo
Malayo ngunit may pag-asang
Mapansin ng iyong mga mata
Hanggang tanaw nalang ba
Payag bang kilalanin ka na
(Nagmamahal)
Pluto...