elai morning. lili şarkı sözleri
Sabi nila na di makakaya
Sabi ko naman well kaya ni bathala
Bawat bata sandata pananampalataya
Pangarap at pagasa ang bituing nagbabaga
Sa kalawakan may tig iisang pangalan
May layunin at pag-ibig, lakas at tapang
Di ako kapalpakan ng kinamulatan
Ako'y tagumpay ng kinabukasan ko
Babaguhin lang naman ginigiit na talo
Hahabulin ang lamang at pipilitin na manalo
Bro NSD ako Never Say Die 'to
Alam mo ng bakbakan na manila klasiko
Parang bokya kaya bawat tira may dalangin
Ako'y saranggola na may lipad ng 'sang lawin
Wala sa baraha o palad kung papalarin
Tumingala nalang kung may duda ka pa sakin
Bata palang pangarap ko ng lumipad
Pangarap sana balang araw matupad
Bata palang pangarap ko ng lumipad
Pangarap na hangad sana sana ay matupad
Wag lang puro sabing hangtime sa ere matik
Gawin ko at lakarin ng hindi lang galing labi
All in sa pag atake na dati dumadaing nalang
Patigil tigil ngayon ay pumapailanglang
Di na muli pang nanatili sa gilid ng
Pagtitipid sa sariling potensyal walang limit yan
Pinagbalingan galing na pwede mo ng kabiliban
Dahil wala imposible kaya pare sige lang
MJ o Abarrientos you can see me fly by
Magsilbi na liwanag ang gusto ko na highlight
Merong ligaya sa buhay di lang basta may malay
At sasabay 'to kay goliath kahit anong height, bye
Unang talon ang pinaka mahirap na gawin
Dahil di mo alam kung sa salimbay o sasamain
Basta mahalaga magpaliyab maginspira
Ng mga bata na ngangarap na makalipad sila kaya
Bata palang pangarap ko ng lumipad
Pangarap sana balang araw matupad
Bata palang pangarap ko ng lumipad
Pangarap na hangad sana sana ay matupad
Ambisyon na dala ng nakatutulang bata
Ang misyon niya pala ay makapunta ng tala
Kahit may kaba ay lilipad at lalaya
At ngayong matanda na matutupad ba
Ambisyon na dala ng nakatutulang bata
Ang misyon niya pala ay makapunta ng tala
Kahit may kaba ay lilipad at lalaya
At ngayon pwede ba na bumalik sa
Bata palang pangarap ko ng lumipad
Pangarap sana balang araw matupad
Bata palang pangarap ko ng lumipad
Pangarap na hangad sana sana ay matupad
Bata palang pangarap ko ng lumipad
Pangarap sana balang araw matupad
Bata palang pangarap ko ng lumipad
Pangarap na hangad sana sana ay matupad

