elaine duran paglalayag şarkı sözleri
Di na baleng maghintay
Di na baleng malumbay
Di ako patatangay
Sa kalungkutan
Alam kong andyan ka lang
Kapwa nag-aabang
Kung muling pagbibigyan
Ating tadhana
Kung hindi man dumating
Ang inaasam natin
Ang mas mahalaga'y mayroon
Tayong natutunan
At iyon ang babaunin
Natin sa muling paglalayag
Ng puso
Wag na tayong mangangako
Sa isa't isa
Pabayaan ang tadhana
Ang magsalita
At kung sakaling marinig
Ang ibinubulong ng pag-ibig
Handa ako sa'yong pagbabalik
Lalo lang tumatapang
Habang nasusugatan
Sa digmaang ang armas
Ay mga puso
Pero sa digmang ito
Ay walang mananalo
Kaya't mas mainam ang
Kapayapaan
Saan man tayo dalhin
Ng ating paninimdim
Ang mas mahalaga'y mayroon
Tayong natutunan
At iyon ang babaunin
Natin sa muling paglalayag
Ng puso
Wag na tayong mangangako
Sa isa't isa
Pabayaan ang tadhana
Ang magsalita
At kung sakaling marinig
Ang ibinubulong ng pag-ibig
Handa ako sa'yong pagbabalik
At kung hindi mo na dinig
Ang ibinubulong ng pag-ibig
Handa akong iyong ipagpalit

