e.m.k. salamat sa lahat şarkı sözleri
Ito'y isang kanta para sa mga kaibigan
Natin na kahit anong mangyari'y nandyaan
Dahil sa mga kanta sila'y naiiwanan
Kahit dito lang sa awit mapasalamatan
Salamat nung ako ay may problemang malala
Tinulungan nyo ko at hindi kayo nawawala
Salamat nung ako ay nawalan na ng pag-asa
Boses nyo'y nag-aangat sa nauubos kong tiwala
Salamat nung ako ay may kakapusan
Sa budget o gamit ako'y nakakahiram
Salamat nung kinakailangan ko ng tulong
Kayo ay nariyan kahit kailan ay di umurong
Salamat sa panahon ako ay nawalan
Ng gamit o ang mahal sa buhay, kayo ay nandyaan
Salamat sa inyo sa lungkot man o saya
Salamat sa inyo at di ako nag-iisa
Sa mga kaibigan ko salamat sa lahat tol kayo ang alamat, salamat sa lahat
Sa mga kabarkada ko salamat sa lahat pre kayo ang alamat, salamat sa lahat
Sa mga kaibigan ko salamat sa lahat tol kayo ang alamat, salamat sa lahat
Sa mga kabarkada ko salamat sa lahat pre kayo ang alamat, salamat sa lahat
Sana'y lalong tumatag ang ating pagsasamahan
Kahit ang bawat isa'y may sariling daan
Sanay' bumuo pa tayo ng mga bagong memorya
Kahit na anong estado mag-isa o may pamilya
Sana'y tayo'y maglaan ng oras sa isa't-isa
Pag kailangan ng karama'y lalot pag nagluluha
Sana kahit magbago ang buhay huwag magkalimutan
Kung sakaling tayo ay humirap o maging mayaman
Sana'y di maglaho ang memorya sa nakaraan
Mahirap, malungkot at katatawanan
Sana'y tuloy-tuloy ang pagsuporta sa isa't isa
Kahit maging matagumpay at pati sa naguumpisa
Sana'y huwag tayong magbago habang tayo'y nabubuhay
Sana'y ang samahan natin ay hanggang sa mamatay
Kung nasan man kayo ay maging matatag
Kung nasan man kayo ako'y andito lang