e.m.k. tadhana (feat. tatiana) şarkı sözleri

Tadhana nga ba o aking gawa Paano nga ba mapagkukumpara Tadhana nga ba o aking gawa Ako ay tila nagtataka na Lahat tayo'y nagumpisa na mangarap lang ng bulag Nung tayo'y mga bata't wala pang kamuwang muwang Gusto kong maging doktor, gusto kong maging piloto Gusto kong maging guro, gusto kong maging sundalo Gusto kong maging pulis, gusto kong mag-scientist Hiling tayo ng hiling nang di pa nag-iisip Pero ngayon san na tayo dinala ng panahon Natupad mo ba lahat ng sinasabi mo noon Kung natupad mo ang binanggit mo mula nung bata ka Sa tingin mo ba ika'y sumusunod sa tadhana O nagdala sayo ay sipag dedikasyon at tiyaga Upang ito'y masipat at ang nais mo ay makuha Kung ika'y isa sa mga nag-iba ng direksyon May binabalak man o sumusunod sa alon ng buhay Kaya bahala na kung san makarating Tadhana nga ba o iyong gawa ano ang sa tingin Tadhana nga ba o aking gawa Paano nga ba mapagkukumpara Tadhana nga ba o aking gawa Ako ay tila nagtataka na Ngayo'y pag-usapan naman natin nang nakaraan Yung mga pangyayari sa atin na nagsidaan Naalala mo pa bang mga nangyari na mali Simula sa maliit, patungo sa malaki Mula sa pagbura ng sulat mo hanggang sa aksidente Mga alaala na pati ngayon ay nagsisisi Halos lahat ng pagkakamali hindi sinasadya Lalo na sa mga mali na medyo malubha Palagi sinasabi na tayo ay tinadhana Sa mga dumating sa buhay natin na magaganda Pero paano naman yung masasamang nangyari Ang hirap sabihin na ito'y tadhana para sa atin Kahit parehas lang naman silang mga nakaraan natin Bakit sa mabuting bagay lang natin inaamin Sa mga naniniwala sa tadhana ng may kapal Ano pa bang hinihiling natin sa mga dasal Tadhana nga ba o aking gawa Paano nga ba mapagkukumpara Tadhana nga ba o aking gawa Ako ay tila nagtataka na Wag kalimutan ang pinaghirapan Pinagsikapan at pinagdaanan Ang paniwalaan ay ang ating isipan Na sinandalan ng ating nakaraan Tadhana nga ba o aking gawa Paano nga ba mapagkukumpara Tadhana nga ba o aking gawa Ako ay tila nagtataka na Tadhana nga ba o aking gawa Paano nga ba mapagkukumpara Tadhana nga ba o aking gawa Ako ay tila nagtataka na
Sanatçı: E.M.K.
Türü: Belirtilmemiş
Ajans/Yapımcı: Belirtilmemiş
Şarkı Süresi: 3:49
Toplam: kayıtlı şarkı sözü
E.M.K. hakkında bilgi girilmemiş.

Fotoğrafı