geiko sol at luna [demo] şarkı sözleri

Nakaupo tulala Nag-iisa sa mga kuliglig sa labas At baka naman ako'y pakikinggan Inaalala ang araw na kumikinang Gano'n ako tuwing nakikita ka Aking liwanag sa dilim At nung yinakap mo ako tila bang nawala Ang mga problema sa mundong puno ng kasakiman H'wag ka munang bumitaw aking sinta 'Di ko kayang numingning kung wala ka Malungkot ang gabing malamig Kung wala ang iyong init Wala nang kulay ang paligid Wala nang buhay ang daigdig Kung wala ka sa 'king tabi Mahal kong Sol ako si Luna Tayo ba ay ipinagtadhana ng sansinukob Ngunit tayo ay ipinaglayo Namumula tuwing tayo'y magkaharap Habang hawak ang 'yong kamay Aking susulitin ang munting sandali At nung kinantahan mo ako tila bang huminto Ang oras bago pa sumapit ang bagong taon Binabasa ang liham habang suot ang regalong kwintas P'wede bang balikan ang nakaraan 'Di ko kayang numingning kung wala ka Malungkot ang gabing malamig Kung wala ang iyong init Walang kulay ang aking paligid Walang buhay ang aking daigdig Kung 'di tayo magkatabi Ika'y mamahalin kahit 'di mo na ibig ang aking damdamin Ika'y mamahalin kahit 'di mo na ibig ang aking damdamin Ika'y mamahalin kahit 'di mo na ibig ang aking damdamin Ika'y mamahalin kahit 'di mo na ibig ang aking damdamin Naaalala mo pa ba Mga araw na masamit noong tayo'y magkasama Abot ang ngiti sa malayong bituin Kumusta ka okay ka lang Pagod ka na yata sa katorpehan ng tao O baka naman sa akin pala
Sanatçı: geiko
Türü: Belirtilmemiş
Ajans/Yapımcı: Belirtilmemiş
Şarkı Süresi: 7:48
Toplam: kayıtlı şarkı sözü
geiko hakkında bilgi girilmemiş.

Fotoğrafı