ian quiruz kailan kaya şarkı sözleri
Magkatabi malamig at magkahawak ang kamay
Nasa ilalim ng kalawakan
Nasa ulap ang lagay
Kailan kaya kailan kaya masisilayan ang mukhang
Tuyo na ang mga matang muntikang malunod sa sigwa
Nasa’n kana
Kailan mo ba bibigyang kulay ang mundo
Hinihihintay tayo ng buwan
Tanging ikaw lang at ako
Nais subukan ayaw maulit oras iikot pabalik
Maitatama paba dating pasya sa panaginip
Sana ay naririnig na handa akong maghintay
At hindi kita masisisi kung ayaw mo sa akin
‘Di mo kasalanang ‘di ako
At kung magbago’ng isip huwag mahiyang sabihin
Baka sakaling makalimutang mag-isa
Halika na dadalhin ka sa gitna ng kagubatan
Saksi ang bawat alitaptap mamahalin ka nang lubusan
Malay ko ba malay ko ba kung tayo'y sa isa’t isa
Ang mahalaga nandito ka kaya sinta
‘Di naman naiinip kung ikaw rin lang ang hinihintay
Dahil hindi kita masisisi kung ayaw mo sa akin
‘Di mo kasalanang ‘di ako
At kung magbago’ng isip huwag mahiyang sabihin
Baka sakaling makalimutang mag-isa
Dahil hindi kita masisisi kung ayaw mo sa akin
‘Di mo kasalanang ‘di ako
At kung magbago’ng ihip ng hangin ay sabihin
‘Di namalayang tumitibok pala
Hanggang kailan mananatili sa labas ng pituan
Bumubuhos ang ulan naghihintay na pagbuksan
Kailan kaya kailan kaya kailan kaya masisilayan
Para naman makalimutang mag-isa