indiggle puwang şarkı sözleri
Minahal kita, ngunit di ko lang ito nasabi
Kaya pasensya ka na, kung naghintay ka pa ng matagal
Hindi ko naman nais na ganito ang mangyayari
Nasobrahan lang siguro sa pangarap na ika’y sa akin
Tila mabilis lumipas ang panahon
Nasanay na akong ipagpalit sa mas higit
At sa pagbalik, ikaw parin ang pinipilit
Mahalin muli
Pagdating ng araw, ikaw parin ang babalik-balikan
Maalala lang ang higpit ng yakap mo
Kung may pagkakataong palitan ang nakaraan
Pangakong tutuparin ang huwad kong sumpaan
Tila mabilis lumipas ang panahon
Nasanay na akong lumaban ng walang kapalit
At sa pagbalik, ikaw parin ang pinipilit
Mahalin muli
Pagdating ng araw, ikaw parin ang babalik-balikan
Maalala lang ang higpit ng yakap mo
At sa pagbalik, bakit ako parin ang nagkamali
Sa huli
Pagdating ng araw, ika’y makakaintindi na rin
Pagbalik ng sakit ng pagmamahal natin