introverted payapa şarkı sözleri
Dati-rati, araw-araw kitang iniisip
Halos umiikot ang mundo ko sayo, sa bawat saglit
Pinaparamdam ko sa'yo kung gaano kita kamahal
Ngunit hindi mo ito kailanman pinahalagahan
Nakipaghiwalay ako, hindi dahil sa nawala na ang pagmamahal
Kundi dahil nararamdaman ko, nauubos na ako, pagod na ang aking dangal
Habang ikaw, tila walang pake, chill lang, parang okay lang lahat
Hindi mo namalayan, dahan-dahan akong bumibitaw sa ating pangarap
Nahirapan akong mag-move on, sino bang hindi mahihirapan
Pero araw-araw, kinaya ko kahit na mahirap pagdaanan
Nagpapasalamat ako sa mga taong nagpaalala ng aking halaga
Na kailanman, sa piling mo, hindi ko naramdaman
Ngayon, magaan na ang pakiramdam ko
Huwag mo sanang guluhin ulit ang tahimik na mundo ko
Kung nasaan ka man ngayon, d'yan ka na lang
Mas tahimik na ang buhay ko, mas payapa na ang daan, hmn
Sadyang may mga tao talagang dadaan lang sa ating buhay
Pero sila rin ang magpapatibay, magbibigay ng aral at kulay
Kaya't nagpapasalamat pa rin ako sa'yo
Dahil sa'yo, marami akong natutunan, lumago ang aking puso
Kung may darating man, salamat, kung wala, pasalamat pa rin
Mas mabuti nang naranasan ang magmahal, kaysa kailanman hindi na isipin
Tulad ng sabi nila, mas okay na ang umibig kahit masaktan
Kaysa sa walang kahit anong damdamin ang pinagdaanan
hmn-hmn hmn-hmn