isla isla şarkı sözleri

Dami nang alam baka naman makalamang Sabi na lang 'di ka naman dapat na tingalain sa ganiyan Kabig pakanan pakaliwa padaan lang kabilaan man ang Balakid ay gagawin ko lamang kapatagan Maabot tugatog gamit salitang tagalog Magpakalat ng mga tulang pasabog na panakot Sa mga hambog kala mo'y bantog ano ba tong hamog Bakit sa mga papuri hayok Ilang ama namin pa ba dapat na masabi para Matupad mga punla ko na mga tugma para makadigma na Agad ako sa gan'to alam mong hindi ko papalampasin Ang pagkakataon na 'to Kung sa'n binato ay du'n tatama mga 'to at sumpang Tinamo sa kamay ng mga tirador ay 'di ko na para isumbat Gusto ko lang mapalalim pa lalo ang ugnayan ng mga Sulat ko sa bawat Pilipino Dosmil Dyesi-sais panahong napakalayo sa riyalidad Ang aking ginagalawan nagkandauban na 'ko na maging Kalabaw sakay ng dambuhalang bakal sa gitna ng karagatan Pinakawalan ang sining sa likod ng utak kong palabiro Pero may obrang lampas na sa tipikal sukdulang pamantayan na Sumulat nang mahusay para 'di ka magawang hatulan na agad at Mahusgahan na parang tila ba pagkadakila sa sarili lamang nila Sumasalamin umaani rin ako ng sarili kong mga pananim Nangako sa sariling kahit na langawin sa kinatatayuan ay Walang ayawan hanggang sa magsawa't mangayaw ang malas Sa ipapamalas dito sa napiling galawan Ano nga ba kapalit ng mga tinaya ko dito dapat ba na manatili sa kalakaran Katagalan ay hindi na nga namamalayan na malayo na maging malaya sariling katinuan Kapalarang nakapanig lamang sa pakapalan ng pitaka dapat na malaman na handang Itama lahat ng mga kalabisan no'ng pagkabata sa mga mata ng 'Di sadya kong mga pagkasala Pagtanggi sa'kin simula nang matauhan ay 'di ko dinama hangga't hindi ko Masubukan na matugunan lahat ng mga nais matutunan 'Di kilala ang limitasyon sa aking paroroonan Paglalaban pa rin aking mga panaginip hanggang sa maisalin ko sa Katotohanan kahit kalawakan pa kalaban ko sa mga nais maisakatuparan ay Wala 'tong alinlangin at babalik pa rin ako sa simula pag Dinapuan 'to ng pagkabalisa ano pa ba kailangan ko na patunayan Kung pang sarili ko lang kasiyahan Huwag kang papalinlang sa paligid mo Huwag kang papayag maging disipulo Huwag mong hanapin dito sa mundo dahil Ikaw lang gagawa ng sariling paraiso mo
Sanatçı: Isla
Türü: Belirtilmemiş
Ajans/Yapımcı: Belirtilmemiş
Şarkı Süresi: 3:11
Toplam: kayıtlı şarkı sözü
Isla hakkında bilgi girilmemiş.

Fotoğrafı