isla pepe (feat. bawhaus) şarkı sözleri
Bakit parang iba na daang nilalakaran ko
Aking anino, nakanino
Bakit nga ba naparito
'Nong bansa ba 'to
Saang banda nga ba 'to
Ba't tila hulma ng mukha ko yang nakatayong bato
Anong araw ba ngayon
Ano 'tong pagkakataon
Huling nakita ko'y mga sundalong sa'kin ang tugon
Magkadikit ang kamay
Pikit, handang mamatay
Nang matapos kong masulat ang aking hangarin
Sakay ng Noli at Fili
Sila'y sagarang nawili
Ang sinasabi ko'y mga dayuhang makasarili
Silang Kastilang hibang
Tila 'di na bilang
Pagkat sa dami ng pinaslang nilang tinabi lang
Pero mabalik sa panahong andito ngayon
Pinoy ba 'tong nakakausap kong itsurang hapon
Wika na Tagalog bakit tila nabaon na sa kalimot
At nilibot ko rin para magkaro'n
Kasagutan sa tanong
Bakit walang nakabarong
Mga babaeng kasalubong na pantapak ay takong
Wala na ring masulyapang mga kalesa kung gano'n
'Di ito ang Pilipinas na kilala ko noon
Kung ikaw ay tatanungin niya ngayon
Ano ba ang iyong itutugon
Siguradong siya'y nagtataka sa kalagayan ng iniwan niya
Ikaw ang tanging sasagot
Pag-asa niya sayo hindi nalimot
Hindi mo ba nadarama
Nakatayo ka sa nilakaran niya
Matapos magtanong tanong aking nalaman na
'Di ito kinamulatan ko
Nakapagtataka
Wala na raw mga Kastila
Kaya pala bandila natin ay nakatayong magiting
Kita ng mata
Balik tanaw nung mga araw
Akin pang pinagbida
Kabataan ang pag-asa
Bakit tila naiba
'Di papel at lapis hawak sa tuwing mapag-isa
Kung 'di halaman at bato
Ano ba 'tong dala nila
Kamusmusan, nawala
Silang mga tinaga ng kapalaran yung iba
Aba, walang napala
Pagkukulang ng magulang
Ba't naging libangan na pala
Maging magulang kahit murang gulang lamang sila
Sa kalabog ng pag-iisip nagising
Kasalanan ba ng kabataang 'di na hilingin
Makapamuhay nang sagana
Nawalan na nga ng gana
'Di pa nga nakakatapos ang dami nang bayarin
Pero kung gano'n na nga
'Di ko maintindihan
May tao, gobyerno, pondong pangkalahatan
Subalit ba't kapos pa rin
Ano kaya ang dahilan
'Di kaya pinoy na rin kalaban sa sariling bayan
Kung ikaw ay tatanungin niya ngayon
Ano ba ang iyong itutugon
Siguradong siya'y nagtataka sa kalagayan ng iniwan niya
Ikaw ang tanging sasagot
Pag-asa niya sayo hindi nalimot
Hindi mo ba nadarama
Nakatayo ka sa nilakaran niya
Pili Pilipino pinipilit pilipitin ang
Pinipinong prinsipyo
Pinipigil ng ilang
Libo-libo liban man
Labi nilang sinilaban
Sinikap at sinimulan
Sa 'di malamang dahilan
Papakundangan pa ba silang walang alam
Papaunlarin papunta rin sa kawalan
Papaulanang sagana sa kapakanan
Na pagpasa-pasahan
'Pag pasanin papatabi para bang
Kakapa-kapa sa kapalaran kapaki
Pakinabang 'di malaman sa'n dapat magmalagi
Baka lamang 'di malabanan
'Di ko na kayang magapi
'Di ko malaman sino kalaban
Dito na para magwagi
'Di pala patas, 'di makatakas
'Di makatao ang mundo
Ipinatabas ipinamalas kong ideya sa libro
Walang kinalaman ang kabataan sa gulo na 'to
Kami kinabukasan ng kahapon niyang nakita

