isla remedios (feat. bawhaus) şarkı sözleri
Giliw, nalimutan na ba
Ang pag-ibig nating dalawa
Kumusta ka na, mahal
Natanggap ko na pala
Liham mong pinadala
Bakit biglang nag-iba
Pinagpaulit-ulit kong basahin
'Di ko magawang
Kilalanin nagsulat nito
Ikaw ba talaga
Sa pagkakatanto ko
Tila 'di na kabiyak turing mo sa'kin
Kung sa'n nagkamali
Hindi tiyak
Naging kabawasan pa ata sa'kin
Ang inalay kong pagbukod-tangi
Sa'yo lamang nilahat
Kada sinsilyo na pinupukol ko sa balon
Dinadalangin ko'y sa pagsasawa'y
'Wag ang tatalon
Buklatin at bagtasin man
Kaibuturan ng aking puso
Malalaman na ikaw lamang
Ang naroon
Kung may natitirang paraan para lang ika'y
Mahimok na 'wag na putulin ang ugnayan sa pagitan natin
Liban man sa'yong kaalaman
Lahat ng pag-aari ko para sa'yo handang pakawalan
Giliw, nalimutan na ba
Ang pag-ibig nating dalawa
Dapat bang pamarisan ko rin
Ang mga tulad nilang tumpok salaping alay sa'yo
Mga panahong kasama ka
Tila ba dinadagsan tayong dalawa ng ibon at mga paruparo
Pagpaumanhin sana kung dala ko'y pitas na bunga
Lamang palagi mulasa aming taniman
Adhikain ko sa iyo'y purong kabaitan lamang
Sana'y 'di na magawang patuloy na pagtawanan
Huli na ba lahat para sa'tin
O may ibang giliw na nakahuli sa'yo
Sana lang umamin kung gano'n
Iwawastong aralin
Ang pagtanggi sa'kin
Mga nais ko pa sanang
Ibahagi para sa'tin
Sa ngayon hanggang telegram na lang muna
Lahat ng nadarama
'Di ako makakalimot
Na dumungaw sa mga nakaraang ipininta
Sabay ng pagngiti mo sa iba
Ang pighati ko mag-isa
Giliw, nalimutan na ba
Ang pag-ibig nating dalawa

