iszon tahanan şarkı sözleri
Hey, kumusta ka? Ayos ka lang ba aking sinta?
Daming nangyari at bilib sa'yo, kinakaya mo pa
Alam kong pagod ka na, kailangan minsan magpahinga
Problemang dumarating, nakatayo ka pa rin sa'yong paa
'Wag mag-alala, dito lang ako sa'yong tabi
Itatama mga bagay sa tingin natin ay mali
Ibibigay pagmamahal na sino man 'di makukubli
Gusto kang makasama (kahit sa huling sandali)
Sa'yo lang uuwi pagka't ikaw aking tahanan at
Tuwing ako'y sawi, ikaw aking tagatahan
'Pag 'di mapakali, kamay pwede namang hawakan
At sabay lalakbayin ang tinuring na kalawakan
Ikaw aking tahanan
Ang aking tahanan ay ikaw
Ang aking tahanan
Ang aking tahanan ay ikaw
Ikaw, ikaw, ikaw
Dadalhan ng bulaklak, ano ang gusto?
Sampaguita, mirasol, rosas ba o ako gusto mo?
Ako bahala magdala papunta sa'yo
Kung sa'n man abutin paniguradong dulo
Sige magtanong, malutas utak mong puno ng gulo
Ika'y nalilito, tunay ba o panaginip 'to?
Dapat lang na tratuhin ka nang totoo
Pamantayan sa sarili dapat mong itaas
Magsara ka ng pinto para bintana magbukas
Pero kung ano man ang tatahakin na landas
Dapat 'yung gusto, sa buhay mo ikaw ang batas
Sabi ko gusto kita
'Di mo kailangan ng lalaki oh sinta
Ikaw ang kulay sa mundo na aking naipinta
Sinusulit 'pag kasama ka