ivan nery hiraya şarkı sözleri
Nakakulong sa apat na sulok ng kwarto
Magdamag larawan mo, ang aking kasalo
Sa lahat ng ginagawa ikaw lamang ang nasa isip ko, sinta. Whoa
Hangad ko na ikaw ay makasama
At kilalanin ka pa ng lubus-lubusan
Nang ako ay malunod sa iyong nag-uumapaw na pag-alab
Ikaw ang tanging langit na pinipita
Dito sa mundong malamaya
Nakaukit saking dibdib and iyong ngalan
Daigdig ko'y iyong binagabag
Ikaw lamang sinta ang humahabi sa aking mga hiraya.
Ikaw lamang sinta ang aking hiraya
Nais kong masagot na ang katanungang
Kumakain sa aking isipan
Kung maaari bang magkaroon ng ikaw at ako? Whoa
Alam ko na ika'y di pa handa
Kaya't ako'y narito lang mananatili
Hanggang sa akin nang malangoy ang iyong sansinukuban
Ikaw ang tanging langit na pinipita
Dito sa mundong malamaya
Nakaukit saking dibdib and iyong ngalan
Daigdig ko'y iyong binagabag
Ikaw lamang sinta ang humahabi sa aking mga hiraya
Ikaw lamang sinta ang aking hiraya
Maghihintay ako sa'yo pagkat wala nang mas hihigit pa sa'yo
Lahat ay hahamakin ko makamtan lamang ang langit ng iyong mga ngiti
Ikaw ang tanging langit na pinipita
Dito sa mundong malamaya
Nakaukit saking dibdib and iyong ngalan
Ikaw ang tanging langit na pinipita
Dito sa mundong malamaya
Nakaukit sa aking dibdib and iyong ngalan
Daigdig ko'y iyong binagabag
Ikaw lamang sinta ang humahabi sa aking mga hiraya
Ikaw lamang sinta ang aking hiraya
Ikaw lamang sinta ang aking hiraya

