jack magic tutuparin şarkı sözleri
Kakayanin, ano mang pagsubok haharapin
Hindi sasayangin bawat pagkakataon sa akin
Sabay sa hangin, pagaganahin utak at damdamin
Ano mang danasin , lahat ng aral hindi lilimutin
Nagsimula akong mangarap, kinilusan anong hirap
Sinamahan ang bawat dasal ko ng pagsusumikap
Kapayapaan ba ang hanap,
Malagpasan mapatunayan
Lahat naman pinaghirapan at aking pinaghusayan
Aminado, di perpekto
Matututo, di susuko
Isasapuso, bawat pangako
O positibo hanggang sa dulo
Gaano kalalim ang dapat sisirin
Ilang kilong bigas pa ba kakainin
Talentong regalo ating pag butihin
Respeto sa tao wag mong lilimutin
Sa buhay kailangan ng patnubay at gabay
Madadapa't, masusugatan, pagod na rin mag hintay
Nood sa yapak ng mga naunang ng nagtagumpay
Sa dulo may liwanag na palagi lang nag aantay
Kakayanin, ano mang pagsubok haharapin
Hindi sasayangin bawat pagkakataon sa akin
Sabay sa hangin, pagaganahin utak at damdamin
Ano mang danasin , lahat ng aral hindi lilimutin
Ganyan ang buhay may pagkakamali
Sa bawat pagkakamali naitatama ang mali
Kaya wag kang matakot na sumubok pa muli
Basta wag mong kalilimutan laging ngumiti
Minsan' kailangan' madapa, upang may matutunan
Ang mahalaga' umuurong ka at kinikilusan
Hindi to madalian, kailangan pagpaguran
Balang araw lahat ng iyan ay may patutunguhan
Malayo pa man ang iyong pupuntahan, tuloy lang kahit may panganib sa daan
Kung maramin man sayong humadlang, tuloy tuloy mo lang hanggang ang buhay gumaan
Ang buhay parang dagat, na malakas ang alon
Kailangan mong umahon, wag na wag kang papaalon
Kalimutan ang kahapon, halika na bumangon, harapin ang bagong hamon, bago pa magdapit hapon
Lahat ng nais marating ating mararating
Aking pinag isipan nanaginip ng gising
Triniple aking sipag, sa pagod di dumaing
Sa kontrabida ng buhay, hindi mo to maaning
Palaisipan, palaisipan
Paano kamtan, paano kamtan
Hanggang saan ba lalakbayin
Oo tutuparin, matutupad din