kaakbay mga anak ng bayan (feat. fame gomez & mandy stuchly) şarkı sözleri
Masdan ninyo ang mga bata
May dahilan ang kanilang pagluha
May dahilan ang kanilang pag-iyak
May dahilan ang kanilang pag-angal
Masdan ninyo ang mamamayan
Sila'y gutom kaya lumuluha
Sila'y galit kaya sumisigaw
Sila'y api kaya sila'y lumalaban
Marami sa mga anak ng Bayan
Di-tiyak ang kinabukasan
Sa gitna ng mga lansangan
O maging sa kanayunan
Ang mga anak ng bayan
Ang hangad ay kaunlaran
Sa tunay na kapayapaan
Dapat may Katarungan
Masdan ninyo ang ating mga kababayan
Sila-sila'y naglalaban-laban
Di na ba sila nagmamahalan
Nakalimutan na ba nila na sila'y kapwa
Mga Anak ng Bayan
Marami sa mga anak ng Bayan
Di-tiyak ang kinabukasan
Sa gitna ng mga lansangan
O maging sa kanayunan
Masdan ninyo ang mamamayan
Titigil din ang kanilang pagluha
Sa pagsigaw, paglaban at pagdurusa
Sana'y dingin at bigyan ng pag-unawa
Marami sa mga anak ng Bayan
Di-tiyak ang kinabukasan
Sa gitna ng mga lansangan
O maging sa kanayunan
Hindi ba't tayong mga anak ng bayan
Ang dapat na maghari sa ating sariling bansa
Mapayapang pamamaraan
Tungo sa kalayaan, kapayapaan at kaunlaran
Mga anak ng bayan, Kaakbay
Mga anak ng bayan, Kaakbay
Mga anak ng bayan, anak ng bayan
Mga anak ng bayan, Kaakbay
Mga anak ng bayan, (Kaakbay ka sa lahat)
Mga anak ng bayan, Kaakbay
Mga anak ng bayan, (Kaakbay ka sa lahat)
Mga anak ng bayan