kaakbay sinta (unplugged) (feat. mandy stuchly) şarkı sözleri
Sinta, tila may lungkot sa iyong mga mata
Ikaw ba'y nag-alala sa aking paglisan
Kailan ma'y di ko ninais na tayo'y magkawalay
Pagkat buhay mo'y karugtong ng buhay ko
Ngunit sa aking paglisan huwag sanang isipin
Na ako'y di na babalik at ika'y pagtaksilan
Sa ating kalagayan na ngayon ay aba
Walang kaunlaran, walang katarungan
Paalam na sintang minamahal
Landas ng kaularan
Ay aming tatahakin
Tatag ng paninindiga'y
Sandata sa pakikibaka
Tanikala ng pagkaapi'y
Aming wawakasan
Kung sa 'king paglisan, hiningaý malagot
Tibayan ang kalooban at huwag ikatakot
Sapagkat di magtatagal, dugong didilig sa lupa
Ay uusbong ang bulaklak ng Kaunlaran.
At ikaw bayan ko ay magbabago
Paalam na sintang minamahal
Landas ng kaularan
Ay aming tatahakin
Tatag ng paninindiga'y
Sandata sa pakikibaka
Tanikala ng pagkaapi'y
Aming wawakasan
Tanikala ng pagkaapi'y ating wawakasan
Hooh
Wawakasan