kalber pandemya (feat. godwayne) şarkı sözleri
Buong mundo ay balisa
Sa pandemyang bumulaga
Daang libo ang namayapa
Sumalangit nawa ang kanilang mga kaluluwa
Mga tao'y napilitang magpahinga
Mangilan-ngilan lang ang laman ng kalsada
Mga krimen ay biglang bumaba
Ang gabi ay naging mapayapa
Namigay ng bigas, bawal lumabas
Huwag na umangkas, iyan ay batas
Hehey
Huwag kang lumabas
May akda ng batas, kung lumabag ay wagas
Si Juan ay gutom
wala na siyang bigas
Hehey
Walang magawa, pwede bang lumabas
Manatili sa loob ng bahay
Nang maligtas ang mga mahal sa buhay
Sa labas ay di makita ang kaaway
Mag-ingat baka nasa iyo ng mga kamay
Namigay ng bigas, bawal lumabas
Huwag na umangkas, iyan ay batas
Hehey
Huwag kang lumabas
May akda ng batas, kung lumabag ay wagas
Si Juan ay gutom
wala na siyang bigas
Hehey
Walang magawa, pwede bang lumabas
Huwag kang lumabas
Pwede bang lumabas
Huwag kang lumabas
Huwag kang lumabas
Huwag kang lumabas
Huwag kang lumabas

