kalber ulan şarkı sözleri

Sa lilim ng tirik na araw Nakahimlay, bitak na lupa Pag-asa ng magsasaka Unti unting nawawala Taimtim na nagdarasal Sana'y mahabag at umulan na Walang humpay na hagupit Ng tagtuyot, sadyang napakalupit Bitak-bitak, tigang na lupa Nagsusumamo, matapos na Ng sa gayon ay umusbong Puno ng buhay at pag-asa Dating makulay na bukirin Wala ng buhay, alikabok na Dumaraing, tanging hiling Itong delubyo ay matapos na Matapos na, matapos na! Matapos na Matapos na Ulan, ulan di mapipigilan Biyaya sa atin ng kalikasan Kapag inabuso ng katawhan Ulan, ulan, wawasakin ang lahat ng bayan At dumilim ang kalangitan Nagkubli sa kaulapan Nagbabadyang uulan Paghihirap ay maiibsan Ang lahat ay lumabas, inaabangan Ang pagbuhos ng unang ulan Tara na't sumayaw, paa ay iindak Salubungin natin ang unang patak Ng ulan Ulan, ulan di mapipigilan Biyaya sa atin ng kalikasan Kapag inabuso ng katawhan Ulan, ulan, wawasakin ang lahat ng bayan Ilang araw na ang nagdaan Walang humpay ang pag- ulan Bumabaha ng pangamba Mauuwi yata sa wala Bukid namin ay nalubog Tanging yaman, naanod sa ilog Ang tag-ulan na hinintay Syang dahilan, marami ang namatay Marami ang Namatay Ulan, ulan di mapipigilan Biyaya sa atin ng kalikasan Kapag inabuso ng katawhan Ulan ulan kailanman, di na matitikman Gutom ang tiyan, walang tahanan, Maalinsangan, mabahong lansangan Kalbong kagubatan, bunga ng walang ulan! Ulan, ulan di mapipigilan Yakapin ng mahigpit ang unan Bumabagabag sa kalooban Panandaliang kalimutan Ulan, di mapipigilan Biyaya sa atin ng kalikasan Kapag inabuso ng katawhan Ulan, ulan, wawasakin ang lahat ng bayan Ulan, di mapipigilan Biyaya sa atin ng kalikasan Kapag inabuso ng katawhan Ulan ulan ulan ulan Tara na Baka umulan
Sanatçı: Kalber
Türü: Belirtilmemiş
Ajans/Yapımcı: Belirtilmemiş
Şarkı Süresi: 8:11
Toplam: kayıtlı şarkı sözü
Kalber hakkında bilgi girilmemiş.

Fotoğrafı