kalye balagtasan music kamao sa bara (rhadeekal x blade) şarkı sözleri
Kalye balagtasan 'to panibagong yugto
At muling itutuloy kung ano ang nahinto
Tinatago mong galing sige ilabas mo
Digmaan 'to ng bara 'di giyera ng kamao
Ohh ilabas mo na ang dapat mo na ilabas
Kalye balagtasan lalo lang lumalakas
Lalong-lalo na pag sama-sama ang lahat
Anumang kulay ano mang pinanggalingan mong pangkat
Sige sumabay ka, Sige sumakay ka
Wag na wag mag-alala 'pagkat andito na
Ang barko ng balagtasan aalagwa na
Kalagan na ang kadena, sige tara na
Pasabugin na ang bomba ng kaalaman
Buksan ang bawat isip at kamalayan
Mga natatago mo na bara ay pakawalan
Wag na wag mong pipigilin, sige sabayan
Bawat hampas ng tunog at ang kalabog
Damhin mo bawat palo ng beat at ng lagabog
Halika na at sumabay ka, halika na at sumabay ka ahhhhh...
Kalye balagtasan 'to panibagong yugto
At muling itutuloy kung ano ang nahinto
Tinatago mong galing sige ilabas mo
Digmaan 'to ng bara 'di giyera ng kamao
Nasabik na bumalik pansamantalang umalis
K.b ang kumalabit para diwa magka interest
Laro sa salita dapat bring nothing but your best
Makaluma makabago ang talentong minimix
Isang kilusan na layunin magka-isa
Ano man ang kulay ng bandila mong dala-dala
Sabay-sabay na tumawid tulay ng musika
At kapayaan makamit sa digmaan ng tugma
Kaya ang limitasyon mo higitan matutong gawin
Para hindi ka mabitin todo bigay wag tipirin
Talento mong taglay buong loob mo bitbitin
Pinaka tangi mong sandata kaisipang matalim
At nang magkaalaman kung sino unang tutumba
Kung pangunahan ng kaba pag-asang manalo wala
Sa bakbakan nang mga bara ang matira matibay
Kampeon ng kalye balagtasan kaya mauuna
Kalye balagtasan 'to panibagong yugto
At muling itutuloy kung ano ang nahinto
Tinatago mong galing sige ilabas mo
Digmaan 'to ng bara 'di giyera ng kamao
Kalye balagtasan 'to panibagong yugto
At muling itutuloy kung ano ang nahinto
Tinatago mong galing sige ilabas mo
Digmaan 'to ng bara 'di giyera ng kamao

