kalyhina 2:00 am şarkı sözleri

Nakahiga sa kama Madilim ang kwarto Tulala sa kisame, wala pa ring mabago Hindi kumikibo, hindi makagalaw Gustuhin ko man, hindi makasigaw Paralisado sa mga iniisip ko Sana’y mamanhid Sa sakit ng alas dos ng madaling araw Sabi sa'kin ni Kalungkutan Ika’y aking isasayaw Sinta, ako ang gagalaw Higpitan ang ‘yong pagkapit Lunurin ang sarili sa mga luhang Kasing alat ng dagat Pakinggan nang mabuti Ang iyong sarili Mga nakawalang hikbi, kasama sa himig ng awit Pagbago ng kumpas sa bawat pag-ikot Sumunod na lang sa kilos ng lungkot Mga saloobing hindi mapakawalan Nakita isa-isa Mga aninong nagtatago tuwing umaga Sabi sa'kin ni Kalungkutan Ika’y aking isasayaw Sinta, ako ang gagalaw Higpitan ang ‘yong pagkapit Lunurin ang sarili sa mga luhang Kasing alat ng dagat 'Di ko alam ang gagawin Ang aking sarili 'di ko kayang mahalin Mga bituin nakapaligid sa akin Habang ako'y walang mabigay sa dilim Lagi na lang akong kulang Kailan ba'ko Magiging sapat oh pagod na ako Laging mali sa mga gawa ko May takas pa ba sa pagiging talo Lagi na lang mayroong nakikita Na pwedeng ikumpara sa iba Hanggang gusto ko na lang mawala Ngunit di ko kayang mang-iwan Sabi sa'kin ni kalungkutan Ika’y aking isasayaw Sinta, ako ang gagalaw Higpitan ang iyong pagkapit Lunurin ang sarili sa mga luha Sabi sa’kin ni kalungkutan Nandito lang ako Sa tuwing ako’y kailangan mo At sa oras ng ‘yong paggising Ako’y iwanan na at ang mga luhang kasing alat ng dagat Nakahiga sa kama Madilim ang kwarto Tulala sa kisame, wala pa ring mabago
Sanatçı: Kalyhina
Türü: Belirtilmemiş
Ajans/Yapımcı: Belirtilmemiş
Şarkı Süresi: 6:31
Toplam: kayıtlı şarkı sözü
Kalyhina hakkında bilgi girilmemiş.

Fotoğrafı