kalyhina aking lila şarkı sözleri
Ano ba ang aking ginawa
Para pagpalain nang ganito
Baliktad na ang mundo
Dati lang akong sumusulyap
Ngayon ramdam ko na ang 'yong yakap
Sino ang nagplano?
Pangalang binigay nila
Tadhana, sansinukob ba?
Kung ano man salamat sa kanya
Masasamahan na araw-araw
Lalo na ‘pag tahimik na ang lahat
Halika sa ‘king tabi
‘Pag may gustong mag-ingay at tumahol
Hayaan lang natin siyang mangulit
Tawanan na lang natin
Nag-iba na ba ang porma
ng mga tala
Binago ni Bathala para sa 'ting dalawa
Oh aking lila, ang 'yong pagbalik
Sa aking buhay ay nagbigay malay sa akin
Gaano man karami ang mga bituin
Ika'y para sa akin
Malinaw pa sa 'king alaala
Nung tayo'y nagkita muli
Hindi mo na ako kilala
Iilang taong ding lumipas
Ngunit hindi ko nakalimutan
Ang liwanag sayong mga mata
Tuwing naririnig mo ang
Paborito mong kanta
Kahit ilang beses pa 'ko magpakilala
Oh aking lila, ang 'yong pagbalik
Sa aking buhay ay nagbigay malay sa akin
Gaano man karami ang mga bituin
Ika'y para sa akin
Oh aking lila nung Disyembre uno
Tayo'y nangako
Na magsimula ang ating paglalakbay
Na magkahawak ang kamay
Ikaw nga'y para sa 'kin
Ikaw noon, ikaw pa rin

