kalyhina hiya şarkı sözleri
Isang pagkakataong 'di inaasahan
Biglang nagkakatitigan
Dalawang estranghero
Na walang kamalay malay
Sa ilalim ng kahel na kalangitan
Sabay ang pagngiti
Nang di sinasadya
Sabay ding humarap muli
Dumami ang tao ng dumating ang banda
Simula na ang siksikan
Natulak, naipit, at nagkatabi
Ngunit may espasyo sa pagitan nila
Sa swabeng tugtugan
Sila'y nagkasulyapan
At nataranta nang magkahulihan
Wala mang pangalan
Ika'y may napukaw sa aking damdamin
Ako'y nabighani
Ikaw ba'y para sa'kin
O isang daya lang ng hangin
Oh kay lungkot naman isipin
Tumingkad lalo ang makukulay na ilaw
Sa paglubog ng araw
Nakakaakit na mga sandali
Ang kulang na lang ay iyong pangalang
Paulit ulit na tanong sa'king isipan
Kailan matatanggal ang kahiyaan?
Wala mang pangalan
Ika'y may napukaw sa aking damdamin
Ako'y nabighani
Ikaw ba'y para sa'kin
O isang daya lang ng hangin
Oh kay lungkot naman isipin
Sana'y mapanaginipan ko man lang ang mga matang
Nahuli kong nakatingin sa akin
Sa gitna ng hiyawan
Dahil 'to lang ang alaalang aking madadala
Sa'king pag-uwi 'di ko lolokohin ang aking sarili
(Hanggang dun lang magkakalapit)
Hindi na nalaman
Ang 'yong pangalan
Ikaw man ay may napukaw
Sa aking damdamin
Hindi ka para sa'kin
Ika'y daya lang ng hangin
Sa pagmumuni ako'y gigising

