kalyhina sugarol şarkı sözleri
Maaari bang tigilan ang
Pagbalasa sa 'yong baraha?
Oh tadhana, masakit na,
Pinipili pero iniiwan
'Di ka ba nagsasawa sa 'kin?
Pinakilala sa iba't ibang manlalaro
Na 'di rin ako kailangan
Munting pato na pinapalitan
Sa kalagitnaan ng laban
Inikot-ikot lang ng mga salitang
Hindi naman totoo
Hilong-hilo, maniniwala pa ba 'ko
'Pag sinabing, "Mahal kita
'Di na maghahanap pa ng iba"?
O kaya'y hindi lang siya sigurado
Sa pinangako niya
Ang pag-ibig ay parang isang sugal
At ako'y ipinusta
Tinapangan ang sarili
Hingang malalim
Huwag munang mahulog
Tuloy balasa
Laro`y puno ng mga pusong
Naging pinong bubog
Hindi natin kailangan ng gantimpala
'Pag tayo'y nanalo kay tadhana
Kailangan lang ang totoo
'Pag sinabing, "Mahal kita
'Di na maghahanap pa ng iba"
Sana nga'y maging sigurado na siya
Sa pinangako niya
Ang pag-ibig ay parang isang sugal
At ako'y ipinusta
Muling nararanasan ang pagkatakot maiwanan
Alam kong maaaring ito'y magbago
At 'pag naglaho na ang damdamin mo para sa akin
Malalaman na lang 'pag 'di na lumapit at
Pag sinabing, "Hindi na kita kaya pang mahalin
Patawad"
O kaya'y, "Wala na akong dahilan para pa maghintay"
Ang pag-ibig ay parang isang sugal
'Di na magpapapusta

