kanabero hiboo (feat. czelina jane & bry 808city) şarkı sözleri
Napaka Hiwaga ng buhay
Natin dito sa mundo
Pangalagaan Kayamanan natin to
Wag mong hahayaang
Mawala lang o wala lang
Yakapin natin Pangarap na paraisoy
Makakamtan Sige Laban lang
Kaibigan higpitan mo
Iyong kapit
Wag kanang bumitaw
Sa halip ikay manalig
Na kayang lagpasan
Ano man mga balakid
May awa din ang diyos
Na maibsan tong pandemic
Sa panahon ngayon
Walang mahirap at mayaman
Pantay pantay lahat
Nais ay ang kaginhawaan
Ng bawat isa saatin
Mithiin naway palarin
Kayanin mga pasanin
Tahakin miski hamakin
At palagi mong isipin
Ano man ang suliranin
Dumating at yong sapitin
Ilakip mo sa damdamin
Na may pag asat tyansa pa
Kaya likat humakbang ka
Sa depresyon mong na dama
Hala siget Lumaban ka
Oo alam kong mahirap mawalan
At may mawalay
Mabigo sa isang iglap
Pakiramdam walang saysay
Ala ala ng kahapon
Ang siyang ilaw na gagabay
Mga alon hihinahon dito sa ting
Paglalakbay
Pag lalakbay
Napaka Hiwaga ng buhay
Natin dito sa mundo
Pangalagaan Kayamanan natin to
Wag mong hahayaang
Mawala lang o wala lang
Yakapin natin Pangarap na paraisoy
Makakamtan Sige Laban lang
Bilang ang madali
Konti na lang ang libre
Dahil sa salapi komplikado ang
Simple
Nagkalat mga buwitre na mapang api
Pano naman kami
May pangarap nga din eh
Umasenso hindi mag-gipit
Ayaw maipit
Di magitgit sa sobrang higpit
Pagkakuntento sa sapat ay higit
Bago pumikit nagpapasalamat sa Nakamit
Ninanamnam kada pait ng mga aral,l
Inaalam umaandar kahit mabagal
Kumakalam kaso hindi alam umangal
Inaasam na maging patas na ang takal
Tayoy ibat iba pero pinagkakaisa
Humihiling na sana ang dagok
Matapos na
Makabangon ang bayan na
Tumatangis pa
Sa isang umagang ang lahat
Maayos na
Napaka Hiwaga ng buhay
Natin dito sa mundo
Pangalagaan Kayamanan natin to
Wag mong hahayaang
Mawala lang o wala lang
Yakapin natin Pangarap na paraisoy
Makakamtan Sige Laban lang
May aalis at darating
Maramihan o katiting
Liwanag na hinihiling
Sa madilim Magniningning
May aalis at darating
Maramihan o katiting
Liwanag na hinihiling
Sa madilim Magniningning
Napaka Hiwaga ng buhay
Natin dito sa mundo
Pangalagaan Kayamanan natin to
Wag mong hahayaang
Mawala lang o wala lang
Yakapin natin Pangarap na paraisoy
Makakamtan Sige Laban lang
Napaka Hiwaga ng buhay
Natin dito sa mundo
Pangalagaan Kayamanan natin to
Wag mong hahayaang
Mawala lang o wala lang
Yakapin natin Pangarap na paraisoy
Makakamtan Sige Laban lang

