karachi kid bara bara movement şarkı sözleri

Sa'min ay walang tagisan at paligsahan Walang kampihan, wala ring premyong pinaglalabanan Ang meron lang ay tugtugan, kasiyahan Maraming ang salamat, walang ng iwanan Ang Kulay ng balat at ng dugo ay kalokohan Dapat magkakaiba lang tayo sa pangalan Sumama kahit sino dahil tayo ang bahala Sige-sige, sama-sama sa lamesa mga bata Teteteteteka! Di kami pabor sa trip nung gagong senador Na ang alam lang ay manira't mambato ng tinidor Tingin yata sa tao ay damit lang na labahin Ang puti at ang dilaw hindi daw pwedeng pag-samahin Bukas, may araw ka sa amin Mga sikreto mo di n pde pang ilihim Pero ngayong gabi, wala kaming paki Grabe! humawi ng buwahi! Sasakupin ka tabi Kahit na hindi hanapin, hindi tawagin bigla na lang dumadating na parang ihip ng Hangin talsik ng buhangin Wag mong salubungin Baka ka mapuwing at hindi mo na Makita ang daan na tatahakin Mahaba pa ang biyahe, marami ka pang oras para iyong sarili Matuto, magturo, umibig, tumawa,lumuha tumulong, gumulong, sumulong Tsong, wag kang mag-alala, lahat ng bagay sa mundo ay pansamantala Pero may mauuna, yung mapagsamantala Pag ikaw ang may kailangan ay hindi ka kilala Kahit d mo kilala mga bata binata Bakla tibo dalaga may edad o may asawa Wag tayong magsasawang tumulong sa kapwa Bawasan ang hinala, at damihan ng tiwala tara!! Sa'min ay walang mahirap, walang mayaman Walang kapangyarihan at bilang ang pinanggalingan Ang meron lang ay pagibig, kapatiran Maraming salamat, wala ng iwanan
Sanatçı: Karachi Kid
Türü: Belirtilmemiş
Ajans/Yapımcı: Belirtilmemiş
Şarkı Süresi: 3:51
Toplam: kayıtlı şarkı sözü
Karachi Kid hakkında bilgi girilmemiş.

Fotoğrafı