kartell'em boy şarkı sözleri

Boy ano basketball Neknek mo gabi na Bakit duwag ka Sarap ng tulog ko so peaceful May sumipa sa pinto may dalang mga pistol Cops wanna pop us like we're pimples But we're people repeat the ritual Kahit handang sumuko pinutok agad Pagkatutok 'yon ang utos ng pinuno Mga naka-all black pati masks Pasensya na kung naka-olaps nanghoholdap talaga Naglalakad na nag-sosocial media na tanga Pagka-like ng pic tinutukan ko ng ice pick Napaihi sa mata amin na relo mong init sa mata Sabi niya kuya kakabili ko lang kanina I don't give a f*ck akin na Pamilya ko walang kakainin kanin na inuulam sa asin Bigay mo na bago kita sapakin Pagkapera 'lam ko na agad ang gagawin Doon sa 'di mahangin mata lakas-titig na O kaya'y mantritrip kakaiba kalas-buo ng mga makina 'Yung pader ng kapitbahay laging humaharang sa akin ha Tulog na rin sila pwede 'tong wasakin na S'yempre pagkapasok gamit n'yo ay akin na Watchlist at hitlist nasa isang pahina Nakahiga't basa na sa pula Huli kong panaginip 'yun pala One by one ko lang naiwan sa ina One by one lang naiwan ko 'tang ina Hoy boy alam mo ba usap-usapan sa 'min 'Wag pakalat-kalat baka damputin ka sa ilalim Mahirap na 'pag napuwing ka 'Wag kang kakaba-kaba baka mauling ka Kala mo lotto kung mamili ng panalo Tumbang preso ang laro ika'y pamato Sabi ko sa 'yo 'wag kang pakalat-kalat d'yan Kasi 'pag sinumpong ang kupal baka mapaglaruan Kapit sa patalim Galaw pailalim Umaasang maitawid Ang gutom ko gabi-gabi Kayod-kalabaw 'Di baleng ako'y uhaw Sardinas laman ng plato Kahit dami nang ampao ang naipon Madumi palad pero malinis paglikom Baka nagkamali ka lang Naku hindi po Ako 'yon biglang nagtikom ang labi Nagising katabi ko ginawang hipon Bakit sa dami-dami Tanong ko lagi bakit Mag-ingat sa pagduro ang nuno dilat palagi Pulot-pukyutan ng hudas mga sabik humarit Ako 'yung pawis pero parang sila 'yung nakagamit Narinig ko 'yung sirena Naku and'yan na sila Nakasuot nga ng asul Pero may mantsa ng pula 'Di mo ba ako kilala Alyas Silva nga pala Tinapon lang sa Pasay Pero sa impyerno dinala 'Tang inang pulis ano ang aking kasalanan 'Wag n'yo nga 'kong bino-boy mayro'n akong pangalan Bakit 'yung iba napakilala nang husto 'Di man lang ginalang ang aking pagiging tao Alyas mata nga ika daw nang inyo na tawagin Dahil nakatungo at masama tumingin Edad kwarenta'y singko tulad ng iyong baril Kaya pinutok kasi 'di agad nagpasiil Ano ba'ng hawak n'yong pruweba laban sa 'kin Kung aking boses sa inyo'y pagsisinungaling 'Di naman manlalaban wala 'kong patalim Bakit ba ang hilig n'yo mantrip d'yan sa madilim Ni magnakaw nga 'di ko kayang sikmurain Sa tingin n'yo ba na kaya ko iyong gawin Namalik-mata hindi mo na akalain Kasalanan na pala mapagkamalang adik 'Di ba tulak-tulak ang inyong tinitimbog Porket sa lansangan lang lumaki at nahubog Bakit pinapatay pwede naman na ikulong ang salot sa bayan Nasa'n na ba'ng katarungan Sa ngayon ang hustisya ay nabibili Aking buhay sa inyo ko pa lilimusin Alipustahin papaslangin n'yo lang ang taumbayan 'Di ba kayo binabayaran Boom shock attack tatlong boy na batak Na raw ang natutumba ng mga kupal na parak Sa may amin sa linggo baka raw pagkalito Ani Kap mukhang nakatumbok sa akin 'to Animo eenie meenie minie mo ang bira Mga may alyas na iisa inisa-isa Basta ba't matuluyan tunay na nakalista Damay-damay na kahit pa walang matira Tira-tirang pagkain sira-sirang tirahan May takot pang tirahin ng mga siga-sigaan Gawa-gawang hidwaan dagdag sa mga pasakit Tulak ng kahirapan kaya napapagamit Bakit trabahong atang sa 'min kakayanin ba Ng puyat gutom na katawan upang mainda Hindi naman sa pagpapalusot Kabuhayan nga patayan na patayan pa sagot Kamalian ba'y maitatama ng kamalian Mga mamamatay-adik adik sa kapangyarihan Bullet sa listahan cash sa sobre Timbangan ng batas nawawala na sa korte Wala nang posas-posas Dapat ka bang matodas Namamasada lang naman nang beinte-kwatro oras Sobra na sila kailangan nang mag-alsa Balutan ng mag-anak malayo sa pangamba
Sanatçı: Kartell'em
Türü: Belirtilmemiş
Ajans/Yapımcı: Belirtilmemiş
Şarkı Süresi: 5:53
Toplam: kayıtlı şarkı sözü
Kartell'em hakkında bilgi girilmemiş.

Fotoğrafı