katrina velarde lason mong halik [original soundtrack from the vivamax series "wag mong agawin ang akin"] şarkı sözleri
Minsang natikman ang init ng iyong halik
Akala ko narating ko na ang ulap sa langit
Sa aking pagpikit ang tanging naisip
Ikaw na sa hanggang wakas
Ang aking pag-ibig
Ngunit biglang nagbago ka
Hindi na madama
Kapag kapiling na kita
Nanlalamig ka na
Bakit ganyan ang `yong pag-ibig
Na ang akala ko ay langit
Nilaro-laro mo lamang ang pusong naiidlip
Sa yakap mo ay nagayuma
Pag-iwas ay ‘di ko nakaya
Hanggang ngayo’y hinahanap-hanap pa rin
Ang lason mong halik
Apoy na dati-rati kay init ng liyab
Agad akong nadadarang
Kapag ikaw ay yumakap
Ngayo’y nag-iisa’t laging nilalamig
Nawala na ang lahat-lahat
Ito’y naging panaginip
Ngunit biglang nagbago ka
Hindi na madama
Kapag kapiling na kita
Nanlalamig ka na
Bakit ganyan ang `yong pag-ibig
Na ang akala ko ay langit
Nilaro-laro mo lamang ang pusong naiidlip
Sa yakap mo ay nagayuma
Pag-iwas ay ‘di ko nakaya
Hanggang ngayo’y hinahanap-hanap pa rin
Ang lason mong halik
Oh, bakit ganyan ang `yong pag-ibig
Na ang akala ko ay langit
Nilaro-laro mo lamang ang pusong naiidlip
Sa yakap mo ay nagayuma
Pag-iwas ay ‘di ko na kaya
Hanggang ngayo’y hinahanap-hanap pa rin
Ang lason mong halik
Lason mong halik…

