kaz intro şarkı sözleri

Libre ang mangarap, mahal lang tuparin Madaling mahanap, ngunit ganun parin Magaantay ka pa, mahaba pa yung pila Wala ka pang pangalan, gusto ka'gad makilala Kailangan dapat ay maayos ang tula Kaso nga lang di maangas ang dura Meron bang nakikinig sa tuwing bumubulong? O ang lahat ng to'y sa hangin lang tinatanong? Pinagpapawisan ang magkabila mong palad Makakausad ba kung ang sistema'y pakapalan Bawal ang mahiyain, sige at makikain Ng di ka maubusan sa biyayang nakahain Huwag palampasin, ang pagkakataon Malalim na bangin, sige at tumalon Ng makalipad at di ka lang sabay sa agos Kaso lang nakakatakot harapin ang takot... Ngayon ay markahan pagkat ito na ang ugat Kung pano sinimulan lahat para umangat Upang inyong malaman kung bakit pa ba nagsusulat Kahit nasa kailaliman at tila sugat sugat Ang bawat linya ay nanggaling sa aking damdamin At lahat ng sasabihin pinagbutihan na isipin Walang oras na sasayangin, bawat segundo'y gagamitin Lahat ng tyansa ay kukunin, di ko na patatakasin Nagsanay nang nagsanay hanggang sa naging handa Ang laway ang naging tulay para daanan ng tula Karamay ko ang mga tunay kasama ditong maykatha At humusay nang humusay sa pagsulat at salita Di na magpapadala sa sasabihin ng iba At kahit na baliktarin ang tapat ganun pa rin Wala ka nang magagawa, ito ang aming simula Kahit kailangang kaladkarin ang pangarap ay dadalhin
Sanatçı: Kaz
Türü: Belirtilmemiş
Ajans/Yapımcı: Belirtilmemiş
Şarkı Süresi: 4:20
Toplam: kayıtlı şarkı sözü
Kaz hakkında bilgi girilmemiş.

Fotoğrafı