ladia's pluma kwentong bayan şarkı sözleri
Mga bata may kwento ako
Alam nyo ba'ng istorya ng lola ko
Itikom nalang ang mapapakinggan
Itago nalang at wag nang ipa alam
Puting buhok at mahahabang kuko
Pulang mata at inumin nya'y dugo
Isang gabi ako'y kanyang tinawag
Sa kawa nya ako'y kanyang nilatag
Ako'y umiiyak nag pupumiglas
Gustong tumakas sa sulo nya'ng hawak
Halimaw ako'y pakawalan
Halimaw ako'y 'yong pakinggan
Nalaman kong hindi lahat may pang unawa
Nalaman kong tayo'y may kanya kanyang sumpa
Nalaman kong lahat tayo'y may tinatagong halimaw
Mabuti nga't may kumatok ng pinto
Ako'y tumakas dinala ang sulo
Sa kagubatan ako ay naligaw
Dinig ko pang si lola na sumigaw
Sa labis kong pagod ako'y na uhaw
Naki inom sa bahay na natanaw
Sa pagkatok ako'y biglang gininaw
Nang bumukas si lola ang dumungaw
Halimaw ako'y pakawalan
Halimaw ako'y 'yong pakinggan
Nalaman kong hindi lahat may pang unawa
Nalaman kong tayo'y may kanya kanyang sumpa
Nalaman kong lahat tayo'y may tinatagong halimaw
Sa baryo kandilang lusaw ako'y pinag-kaguluhan
Isang batang natagpuang bangkay na ang katawan
Sa ilog ng luha ni maria ako'y nag palutang-lutang
Inanod at naglaho na't hindi na natagpuan
Kaya't ang taong bayan si lola'y pinag planuhan
Sinunog kanyang tahanan
hanggang sa siya'y malusaw
Si lola ay nawiwindang wala syang mapuntahan
hanggang siya'y mag anyong ako't hanggang ngayo'y namuhay
Kayat ikaw bata mag ingat ka sa kwento ng iba
Wag kang makikinig basta basta baka ka mabiktima nya
Halimaw ako'y pakawalan
Halimaw ako'y 'yong pakinggan
Nalaman kong hindi lahat may pang unawa
Nalaman kong tayo'y may kanya kanyang sumpa
Nalaman kong lahat tayo'y may tinatagong
Halimaw ako'y pakawalan
Halimaw ako'y 'yong pakinggan
Nalaman kong hindi lahat may pang unawa
Nalaman kong tayo'y may kanya kanyang sumpa
Nalaman kong lahat tayo'y may tinatagong halimaw