ladia's pluma maria clara şarkı sözleri
Sa'ting pag-ibig hindi alam kung bakit
Hindi napagbigyan ng tadhana
Na hanggang dulo ay magsasama
Hanggang sa wakas kapiling kita
Oh Clarita ating pagmamahalan nasaan na ba
Sa'king paglisan hindi kita kinalimutan
Dala ko ang ating napagsumpaan
Na hanggang dulo ay magsasama
Hanggang sa wakas kapiling ka na
Oh Clarita nung ako'y bumalik lumisan ka
Sa ilalim ng buwan ay aking na masdan
Ang iyong ngiting nagsisilbing panglaw sa aking buhay
Mata'y namumugto sa labis na pagiyak
Nasanay na sayo'y tumatahan
Oh Maria Clara kong mahal sana ay dina muling mawalay pa sayong pagmamahal oh aking sinta
Kahit 'di man ngayon sumang-ayon satin ang panahon
Hanggang sa dulo ng aking hininga mahal kita
Kahit di na muling magkikita
Ngayon sa'ting huling ala-ala
Nawa'y kahit sa isang panaginip
Mayakap at mahagkan kita
Oh Maria Clara kong mahal sana ay dina muling mawalay pa sayo'ng pagmamahal oh aking sinta
Kahit 'di man ngayon sumang-ayon satin ang panahon
Hanggang sa dulo ng aking hininga
Hanggang sa ating huling pahina
Hanggang sa dulo ng aking hininga mahal kita"