lamp music hesus, salita mo nga ay totoo şarkı sözleri

Sa mundong ito puno ng sari-saring problema Magulo't mapanganib Pangako'y nakakalimutan Laganap ang kasinungalingan Walang mapuntahan Paano ba makabangon? Paano ba ang magtagumpay? Sinubok ating tiwala Sa iisang katotohanan Salita Mo'y matibay Ikaw ang kalakasan Hesus, salita Mo nga ay totoo Bundok sa buhay ko'y pinatag Mo Tagumpay at kaligtasan ay nasa'yo Dakila Ka Purihin magpakailanman Hindi ko kaya, yan ang sabi Salungat ang bawat labi Tila wari hinahabi Wala na ngang pasintabi Salitang talagang nakasisira ng kamada Pilit kang ibabagsak hanggang di na makaka-ahon pa Nagtaasang mga harang Hindi ko na mabilang Pilit kang tinatangay ng agos ng mga problemang Di malaman ang sagot Wala na yatang solusyon Pero iba ang sinasabi sakin ng Panginoon Na kung kailan ako'y mahina Sya ang aking kalakasan Kung kailan hindi na kaya Grasya Nya'y masisilungan Kaya kahit anong ngalan ng sitwasyon o problema Merong higit na pangalan na makakapitan ka Lahat ng bagay ay kaya Sa pangalan ni Kristo Kaya mong patagin ang mga bundok sa buhay mo Ikaw man ay inuusig Ngunit di pababayaan Di mo man ramdam pero hindi ka nya iiwan Kahit gaano katarik Kahit gaano kalaki Kapag sa'yo Panginoon Walang imposible Hesus, salita Mo nga ay totoo Bundok sa buhay ko'y pinatag Mo Tagumpay at kaligtasan ay nasa'yo Dakila Ka Purihin Ka Hesus, salita Mo nga ay totoo Bundok sa buhay ko'y pinatag Mo Tagumpay at kaligtasan ay nasa'yo Sa buhay ko Maghari Ka magpakailanman Sa buhay ko maghari Ka Magpakailanman
Sanatçı: Lamp Music
Türü: Belirtilmemiş
Ajans/Yapımcı: Belirtilmemiş
Şarkı Süresi: 4:12
Toplam: kayıtlı şarkı sözü
Lamp Music hakkında bilgi girilmemiş.

Fotoğrafı