ma66ot konsensya şarkı sözleri
Sa kasinungalingan muna lumakad
Bago lumipad sa realidad
Ganyan talaga ang buhay
'Di laging makulay
Lalo na pag walang gabay
Apoy mo ay namamatay
Sino ba yung nagpa-paypay
Hindi na matanaw ang liwanag
Naghahanap parin ng paliwanag
Nagbabakasakaling iyong maintindihan
Kung pano ba tumatakbo
Ang iyong kapaligiran
Pera o pakikisama
Kapangyarihan
Dalawang mukha
Hinulma mo 'yong pagkatao
Para umayon sa iba
Binago mo ang 'yong sarili
Para mapuri ng madla
Hindi ka ba kinikilabutan sa iyong ginagawa
Ika'y isang pekeng imahe
Ang sakit mo sa mata
Humarap ka sa salamin
Ng malaman kung sino ka talaga
Humarap ka sa salamin ng
Malaman kung sino ka talaga
Ilabas mo ang 'yong tunay na
Kulay wag yung gusto nila
Humarap ka sa salamin ng Malaman kung sino ka talaga
Ilabas mo ang 'yong tunay na
Kulay wag yung gusto nila
'Di ka ba natutuwa sa sarili mong balat
'Di mo ba pinangarap na maging isang alamat
Na may sariling pamagat
Inspirasyon ka ng lahat
Saki'y higit pa yon sa pagiging sikat
Ika'y tumayo ng hindi asa sa ibang tao
Wag ng lumayo
Sarili mo ang iyong ehemplo
Makakaalis ka rin diyan sa sahig
Basta't meron kang tiwala't
Sa sarili may bilib
Palibutan mo ang iyong sarili
Ng taong taas o baba ay nandiyan palagi
Hindi yung puro pag papanggap
At pag kukunwari
Abot ang puri
Sa iyo sabay tarak pag katalikod mo
Mga pakitang tao, kulo'y nasa loob
Mga walang modo, walang utang na loob
Ikaw ay doble kara ang sakit mo sa mata
Humarap ka sa salamin
Ng malaman kung sino ka talaga
Humarap ka sa salamin
Ng malaman kung sino ka talaga
Ilabas mo ang 'yong tunay na Kulay wag yung gusto nila
Humarap ka sa salamin
Ng malaman kung sino ka talaga
Ilabas mo ang 'yong tunay na kulay
'Wag yung gusto nila

