ma66ot small fry şarkı sözleri
Ako'y nalulunod meron bang magsasalba?
Ako'y nalulunod meron bang magsasalba?
Ako'y nalulunod meron bang magsasalba?
Tubig 'di malinaw
Ala makita ni-isa
Nais ko lang sana na magtampisaw
Ngunit 'di sinadyang naligaw
Nais ko lang na maibsan ang uhaw
Ngunit naparami, ngayo'y 'di makasigaw
Gumalaw, lumabo lang natatanaw
Sumigaw, eh hindi nga ko makasigaw
Ang may kasalanan ay kung sino pang nahihirapan
Yan ba ang bagong nakasanayan?
Kaartehan
Yan lang daw ang nalalaman
Minsan nakakapagod nalang din na lumaban
Sa bawat pag hampas ng alon
Sobrang busog
Pero eto hirap na kong umahon
Ako'y lubog.
Nauntog
Nagising na sa katotohanan
Na may mga tao talagang
Likas ang kabobohan
Di maintindihan dahil 'di naranasan
Na lumikha ng obra bilang mensahe sa karamihan
Ako'y nalulunod meron bang magsasalba?
Ako'y nalulunod meron bang magsasalba?
Ako'y nalulunod meron bang magsasalba?
Tubig 'di malinaw
Ala makita ni-isa
Minsan hindi natin magugustuhan
Ngunit kailangang masolusyunan
Kaysa dumating sa punto na wala ng lunas
Ipagbukas
Kung gusto mo na meron pang bukas
Bira ng bira
Nagbabakasakaling sa tagumpay babangga
Pero nabigla
Pag tama una ang mukha
Sadyang mapaglaro ang tadhana
Ako'y tinubigan upang apoy humina
Ako'y iniwas sa impyerno
Upang 'di tuluyang maglaho
Panahon na gumawa ng plano
Alang masama sa magpahinga
Wag puro apoy pairalin baka masunog ka
Minsan ang kadiliman pa ay ang siyang nagsasalba
Baka kaligtasan dahilan
Kung bat nalunod ka?
Aking pagkalunod ay siyang sakin nagsalba
Aking pagkalunod ay siyang sakin nagsalba
Aking pagkalunod ay siyang sakin nagsalba
Ito'y pahiwatig na ika'y magpahinga
Ikaw ay magpahinga

