madd mark maestro (feat. yuridope) şarkı sözleri

Bakit ako mangangarap na sagad sa ulap lang? Kung nakarating na nga sa buwan ang iilan Magbubunga bawat araw kasi lahat yan bilang Nakakalula ang layunin, di tanaw huling baitang At ako'y magiibang anyo, parang magbabalat kayo Buto't bala't ko'y lilipad kasi magbabanat ako Uhaw sa tagumpay, kapit sa lubid, akoy maghahatak Gutom sa karangalan, nahuli man akoy kakagat Kita mo sakin galaw na hindi to dali dali Malalaman mong maiigi ang pagkakayari Natuto sa nakaraan, tumatak yung pangyayari Nagbago nakagawian, akala mo nagpari, uh Di na magambala ang higanteng to sa paghakbang Di na pwede sapat lang, tagos dpat dapat pag diinan Di nyo malilinlang kasi di na naglilibang Mapanganib man sigi lang, kung malalalim ay sisid lang Ang mga palad koy Bihira lang na magdikit Di rin nakasanayan lumuhod ng nakapikit Malimit tumingala minsan pa nga'y pilit Tipid sa salita Parang sinturong naghigpit Kahit kadalasan, kamalasan ang naranasan Alam kong hawak nya parin pangguhit ng kapalaran Inatras nya ng bahagya nang makabwelo sa pag talon Lukso ng pananampalataya, heto nang pagkakataon Sabi sabi nga ng madami! Walang mangyayare Kung puro amba ka lang pare At walang pag atake! Sa mga sugat manggagaling Yung kukumpara mo sa dati't Dun sa kung ano ka man maging Bukas, tandaan mo to! Mabuti nang subok ng subok Nang sa ganon ay nahuhubog Kung magkagalos dahil sa pagkahulog O makatapak ka man ng mga bubog Ay ulit ulitin Hanggang makalapit sa rurok O pwede ka rin manatili nalang, dun sa sulok, matulog! Ikaw! yung limitado mo na oras? san mo gusto na maubos? Panay hindi lang malamang tugon na mapapakinggan! Matabang nalang tiyak talagang tignan,kung pati sarili laging pipigilan, At kung mahindian ka minsan, sa susunod mas galingan nalang lalo't diinan Ang apak sa gasolina, hanggang sa maging matibay na't hirap matinag Ganyan ang agos ng buhay! pagka di pangkaraniwan Lalo kung iniiwasan mo na maging taong pangkawanian Isa sa pinakasolusyon dyan ang nadadamang takot ay pagpaliban Bukas makalawa, pagka nakawala dyan ay tila ka pinakamakapangyarihan
Sanatçı: Madd Mark
Türü: Belirtilmemiş
Ajans/Yapımcı: Belirtilmemiş
Şarkı Süresi: 3:43
Toplam: kayıtlı şarkı sözü
Madd Mark hakkında bilgi girilmemiş.

Fotoğrafı