madd mark maiba taya interlude şarkı sözleri

Gigising na naman ako, sa umagang ang hinain na kanin ay hindi ako tanggap ng mundo At ang pait ng tubig na nalalasahan ko mula sa baso ay tila mga salitang naririnig ko paglabas ng kwarto Na hindi dapat ako ganito, na hindi dapat ito ang piliin ko Maglalakad na naman ako Sa kalsadang para bang naglatag ng pulang alpombra sa dinadaanan ko Na para bang ako ang bida at pagmamay ari ako ng publiko Na pwede akong husgahan ano mang oras nila gusto Hinihiyaw kung gaano sila kaperpekto at pupunahin ang sa tingin nila'y mali sa aking pagkatao Dahil hindi raw dapat ako ganito, hindi raw dapat ito ang piliin ko Isinasali 'nyo kami sa mga paborito 'nyong laro At ang bawat paligsahan na ito ay inuumpisahan ng walang proseso Nakabuo na kayo ng bilog at kami ang nasa sentro Wala nang tanong-tanong basta pasok kaming deretso Dahil naniniwala kayo Na maiba-taya Na kami ang naiiba Kami ang dapat mapahiya Nag-iinit ang mga mata Tinatakpan nalang ang mga tainga Dahil paulit ulit akong hinahabol ng masasakit na salita Paulit-ulit akong taya Sa arong ang pangalan ay panghuhusga Sa larong ako ang talo kahit maka tapik ako ng iba Sa larong pag inayawan ko, ako pa ang walang pakisama Sa larong bawal makiusap, dahil pinagkakaisahan ka Pagod na 'ko Pagod na ko sa ganito Pagod nang magtiis sa laro na alam ko namang luto Alam kong bingi kayo Nalibang sa sariling tawa Pero parang mga bata na babait bigla Pag bigla nang nawala Ang pinagtutulungang taya Huli na Ayawan na, di na masaya
Sanatçı: Madd Mark
Türü: Belirtilmemiş
Ajans/Yapımcı: Belirtilmemiş
Şarkı Süresi: 2:30
Toplam: kayıtlı şarkı sözü
Madd Mark hakkında bilgi girilmemiş.

Fotoğrafı