madd mark plantsadong plano (feat. mhot) şarkı sözleri

Kung hawak mo yung lutuan kamay handa dapat maulingan Tenga'y kawali sa kwentong barbero, di to pagupitan Di rin dada kung di dakdak lang dapat ang palupitan Magbababad ako sa laro manlalamig salumpuwitan Sungawin bawat butas kung may nagbabadyang panganib Ang kalaban ng kalaban ay di kakampi, kung di sasanib At kung sinong malapit sa oposisyon tiyak rin madadawit Kahit hindi taga-Zamboanga madadaanan ang kalawit Oras na ng pagtatakda, ito na ang kapanahunan Inasam ng kay tagal ngayo'y pagasang mapanalunan Ang walang ambag sa ulam di kasamang maghahapunan Kahit di kadugo pwedeng maki-isa ito'y bahay ampunan Sa pag pakyat ko ng tugatog ang sulo ay sinindihan Pinaliwanag kong maigi para mas maintindihan Mananatili sa baba, punong di madidiligan Pag-naabot mo ang tuktok dun ka lang kabibiliban Pinakinggan bawat kabig ng dibdib Ngayon sinulat ko lahat at itutulak ng bibig Pinakinggan bawat kabig ng dibdib Ngayon sinulat ko lahat at itutulak ng bibig Ako ang bagong sugo, durog lahat at minamani Obra kong niluluto matapos lang, ako'y ginagabi Masasamang hinanakit dito ko ri n ginaganti Bukod sa asawa ko musika lang ang tanging nilalandi Sobrang plantsado ng plano walang mahipong lukot Walang rin makitang baluktot, di natutong magkumot Tahimik lang itong dagat, pero pwede kang malunod Mahahagip ng di namamalayan, ganun ako mandukot At iilang araw narin ang aking inilaan Sa istoryong binuod aking kinabibidahan Ako ang direktor at aktor di nyo madidiktahan Isasagad ko bawat stats at di ko lilimitahan Kung masiraan man ako, eh anong paki ko? Ang may hawak ng manibela ay syang ring me kaniko Kabisado bawat ruta at lahat ng paliko Hindi nabigong maghanda kaya hindi handa tong mabigo Pinakinggan bawat kabig ng dibdib Ngayon sinulat ko lahat at itutulak ng bibig Pinakinggan bawat kabig ng dibdib Ngayon sinulat ko lahat at itutulak ng bibig Gimik o sulatan, sikskan, tulakan Sa karera; nagsisikap, nagsisipag-unahan Anuman ang naging plano, binuno sa puyatan Kung ang araw nga inabot, ano pang suntok sa buwan Pinakita sa antas ang bilang ng ambag Kalidad ang aking mas pinagtibay sapagkat Tila gusaling matatag Gaya ng ekspektasyong matataas Mahirap tantsahin kung ilan din ang palapag At mga parating pa Sa araw na itinakda Ilalathala ang akda Pinaghirapan mga pyesa, kinailangan maghanda Pagkat parang kaarawan lang din ang petsang nilagyan na ng tanda kaya nananabik na Sa mga bagong tinrabaho, tumagal sa kakalinang Magarbong nilikha 'to, dekorado mga rima Di yung basta madalian Sa markadong kalendaryo, sulatan ko ay may bilang Di to basta madalian Sa markadong kalendaryo, sulatan ko ay may bilang Mapa-musika o gera, nanatili pa ring tunay Naging magkapareha ang ugali pati husay Kumamig man ng pera at ilang mithi sa buhay Parang escalera, 'di magpapalit ng kulay Minsang natutunan, gano ba ko kadumi O kaliit nung nasilungan ko ang payong kabute Sadyang maputik ang landas na sinusuong pauwi Mabuti na lang di ko sinubukang magputi Natural ang enerhiya sa galawang di tinatamad Sapagkat giyang na nga't tila batak Sa kakasulat na ikinagagalak Kung dumog ang ideya sa isipan, para ka na ring binabangag Sinasagad lahat ng bawat bara na sinasaad, Dama ko ang kumpyansa at pag-asa sa hinahangad Kabig ng dibdib ay "magtamasa sa hinaharap" Sa "tulak ng bibig" akma na "tama ang nilalahad" Pinakinggan bawat kabig ng dibdib Ngayon sinulat ko lahat at itutulak ng bibig Pinakinggan bawat kabig ng dibdib Ngayon sinulat ko lahat at itutulak ng bibig
Sanatçı: Madd Mark
Türü: Belirtilmemiş
Ajans/Yapımcı: Belirtilmemiş
Şarkı Süresi: 3:54
Toplam: kayıtlı şarkı sözü
Madd Mark hakkında bilgi girilmemiş.

Fotoğrafı