madd mark zirkulo şarkı sözleri
Dahan dahan ka lang wag mong madaliin
Hintayin mo lang oras moy darating din
May mga araw na ang ulap makulimlim
tandaan ang bituin sa dilim mas maningning
Kaya habaan mo ang pisi, para di magsisi
Walang makakaligtaan kung ikay mabusisi
Pag may masasagasaan wag bumusinang pilit
Iba ang tabas ng dila sa talas ng isip
Pigilan ang sarili, unawain ng maigi
Usisain bawat sulok wag lang ang haligi
Pasensya sayong puso dapat manatili
Maiinip? magtyatyaga? ikaw makakapili
Bulong na nakakarindi wag pakinggan
Nasa loob ang kulo ng di makabasag pinggan
Rason sa pagsisimula lang ang balikan
Yamot mapapalitan pag tropeyo nahalikan
Maliligaaw sa pasikot-sikot
Minsan pa nga'y parang paikot-ikot
Kahit ganun ituloy mo lang ang ikot
Ituloy mo lang ang ikot
May mga panahong madali mong magamay
Sa ibang pagkakataon ikay sumasablay
Paminsan minsan parang lahat abot kamay
Paminsan minsan di pala sayo ibibigay
Pero kahit ganun tuloy sa pagpedal
Padyak ng padyak mararating din pedestal
Ilako ang paninda hanggang mabutas ang tsinelas
Pagkatapos mong kumota ay bwenas ang kinsenas
At kung akala mo para bang lahat alam mo na
Biglang nakakagulat na mali parin pala
Kahit walang napapala wag kang madadala
Pagasa at pagibig mong dala wag mawawala
Sa pagtahak ay hindi laging tamaang daan
Walang palatandaan ang sanga sangangdaan
Hindi lahat ng dagok ay mapaghahandaan
Ang mahalaga ay mga aral na matatandaan
Maliligaaw sa pasikot-sikot
Minsan pa nga'y parang paikot-ikot
Kahit ganun ituloy mo lang ang ikot
Ituloy mo lang ang ikot
Sa aking munting supling kamakailan lang sinilang
Labis akong nagagalak at ipinag diriwang
Ng masilayan kita halos bumuhos mga luha
Sa mundo koy may kulang at sayo ko lang nakuha
Salamat sa iyo at akoy muling ginaganahan
Kakaibang ligaya na di ko inaasahan
Ang sa aking katuwang na lagi akong dinadamayan
Sa bawat digmaan pangakoy ipaglalabaan
At di ako susuko kung ako man ay bumagsak
Sa malas man lumagapak o mga plano ay pumalpak
Hindi ko ako titigil hanggat bumuka mga pakpak
Hanggat di naririnig mga halakhak at palakpak
Maliligaaw sa pasikot-sikot
Minsan pa nga'y parang paikot-ikot
Kahit ganun ituloy mo lang ang ikot
Ituloy mo lang ang ikot

