maddcrack d. barubal ligaw na bala şarkı sözleri
Kamusta ang pagrarap bakit wala nang pang diinaan
Yung dating matitigas bigla nalang naglambutan
Nasapawan ng kakornihan at puro kabaduyan
Pare-parehas tono't tema aba'y hinde na pwede yan
Asan na yung malikhain at mataas na pamantayan?
Mga babad kayo sa araw kaya gusto lang masikatan
Lilikha ng mga obra sobra naman sa kalibugan
Pinagpuyatang mga letra pare di pinag isipan
Teka hinde na tama kaya di dapat pamarisan
Matatalas na mga rima ngayon ay kinakalawang
Nagsiksikang mga linya ngayon ay puro puwang
Dapat ka bang makunsensia sino ba ang nagkukulang
Kaya matanong kita rap ba to o katuwaan
Bulag-bulagan, walang makita pang bato to sa raprapan
Papartidahan pa kita sanay tong makipagdikdikan
Kumplikadong mga bara kayang kaya simplehan
Tindihan at lupitan walang linyang may patlang
Laging apaw ang baunan di pwede saking sapat lang
Lahat sapaw ang humadlang lunurin sa aking tugmaan
Sapagkat mababaw lang ang nalulunod sa pantalan
Sa makabagong tugtugan tugon ko'y lumang bagsakan
Malabong mapanghinaan sa pang malakasang lirikalan
Kaya't wag nang makipag sabayan malaya ating pagitan
Hinde sa pagmamayabang, hinde pantay ating isipan
Ito aking katunayan magkaiba ating pinag mulan
Binigyan ko ng katapusan ang yugtong di mo masimulan
Pumapasada hanggang dulo kung maghatak laging punuan
Maraming bunga ang gawa ko parang tinatak ang punuan
Kapag ako nagpaandar garantisado walang hintuan
Animo'y may patong ang ulo sintensya ay kamatayan
Epektibo kada mensahe kala mo ay nilagdaan
Kargado to palage ng tugma kahit ilang daan
Yung sakit nyong kabobohan ay wala nang lunas dyan
Pinangtatapal kong kagalingan malabo nyong mabutasan
Kung hinde maunawaan sulat kong makasalanan
Ay handa ko tong hinaan para lang sayong kababawan
Bagkus ika'y papangaralan gamit tong katalinuhang
Tinataglay kong kahinaan tinuturing mong kalakasan
Sulatan ko'y pang pustahan walang hangganan di maubusan
Bawat linya'y pang palagan tumpukan multi kumpulan
Di maintindihan takbo ng isipan parang buang di mapigilan
Narating mong kataas-taasan ay nasa baba ng aking talampakan
Mga mata ko'y naka piring hinde nabulag sa palakpakan
Napakaraming mga sinungaling magagaling lang sa talkshxtan
Sa mga linya ko na hinain nabusog ka, sagana sa laman
Subukan mo mang gayahin Hinding hinde malalampasan
At walang magagawa ang tapang kung ang utak iiwanan
Kailangang magtambalan ang dibdib at ang isipan
Upang ang bawat humarang na peligro sa daanan
Lampasan lamang na parang di man lamang nasugatan
Mga swapang at gahaman sabay sabay na papatawan
Sisintensyahan na parang duguan na gumagapang

