M()eSTRo şarkı sözleri
Ang buhay natin, Panandalian lamang
Wag mong sayangin, masasaktan ka lang
Kung pipilitin
Kay daming tanong, ng mapag larong isipan
Na tila ba ang buhay, ay di pantay at puro lang
Kabiguan
Wag matakot, aalalay ako
Ang 'yong luha ay patitilain ko
Ang 'yong pagod ay papawiin ko
Basta't yakapin mo ako at ilagay
Sa puso mo
Sa bawat patak, ng 'yong mga luha
Ako'y nakaabang
Nag hihintay na ako ang makita
Wag mapagod dahil andito lang ako
Ang 'yong sugat ay pahihilumin ko
Ang pasanin mo'y bubuhatin ko
Basta't yakapin mo ako at ilagay
Sa puso mo