pablo kelan şarkı sözleri
Ooh-ooh-ooh
Ooh-ooh-ooh
Kelan ba ako magiging payapa (kelan)
'Di na nga yata
Ako ang taya simula pagkabata
Habulan sa utak ko na mahilig gumala (uh)
Kahapon ay hindi na lumipas 'di ko rin alam kung meron pang bukas
Pilit nga na nangangapa sa laman ngang wala naman nang lunas
Naging matalik na kaibigan ng dilim liwanag ang kaniyang lihim
Sinubukang alamin saloobin tumingin sa salamin
Ngayon ano'ng aking gagawin ito ay kapit sa patalim
Paano mo haharapin ang takot mo kung pagtingin sa salamin nakangiti ikaw pa rin
'Di mo na kailangan na magkunyaring iba
Alam naman natin na mas komportable ka
Sa walang sana walang dismaya makatotohanan lang walang iba
Buksan mo ang iyong isipan kakitira'y gawing kalawakan
Ang katotohana'y 'yong nahahawakan tuparin ang napanaginipan
That's right play hanggang sa dulo uh mayday panay peligro
But someday maitotono ko rin ang buhay ko na 'di sintunado sing
Kelan ba tunay na sasaya
Maging malaya sa takot at pangamba
Ah nah yeah yeah (yah)
Dami nang pinagdaanan
Na 'di ko inaasahan na malalagpasan
Ah nah yeah yeah (ayy ayy)
Ipipikit ko ang aking mata't
Mananalangin sa mahabaging ama
Ah nah yeah yeah yeah woah (kelan)
Kelan ba tunay na sasaya
Maging malaya sa takot at pangamba
Ah nah yeah yeah yeah yeah
Ooh-ooh-ooh
Ooh-ooh-ooh
Ako'y nagising na sa malalim na pagtulog
Teka lang ba't para 'to'y bangungot
'Di ko magalaw aking tuhod
Bukod pa do'n ay 'di ako makahugot ng hininga
At parang nalulunod ang pakiramdam ko ay nalulumo
Bawat sigaw ay para lang bumubulong
Tila ba walang makarinig sa aking mga ungol
Hindi ako marunong humingi ng tulong
Ako lang ang guro sa bawat pagsubok
Kahit na lumulubog kahit na nalulugmok
Sugod nang sugod kahit hindi matumbok
Ang puno at dulo ng aking mga gusto
Lahat ng ito'y hindi magkakatuldok
Hilig ng tadhana ma'y ako'y mabugbog
Hahabulin ang pangarap kahit pa malumpo
Kinalaban ang nasa salamin kinontra kaniyang mga gawain
'Lam naman natin na siya'ng salarin sa lahat ng naging pangyayari sa'min
Sa kabila ng lahat ng aking inakala't pagsisisi
Siya lang rin pala ang sasagip at tanging kakampi
At pagkalabog ng beat mga mata'y namulat sa pagkapikit
Unti-unting gumagalaw ang mga binti 'di ko na pinansin aking paghikbi
Kelan ba makakatakas dito sa kulungan
Ginawa sa'king bumbunang takot ang naging puhunan
Nanlalamong kalungkutan minsan nang napalibutan
Diyos ko po pakitulungan gusto lang makalimutan ang nakaraan
Kelan ba tunay na sasaya
Maging malaya sa takot at pangamba
Ah nah yeah yeah (yeah)
Dami nang pinagdaanan
Na 'di ko inaasahan na malalagpasan
Ah nah yeah yeah (yeah ayy)
Ipipikit ko ang aking mata't
Mananalangin sa mahabaging ama
Ah nah yeah yeah yeah woah (kelan)
Kelan ba tunay na sasaya
Maging malaya sa takot at pangamba
Ah nah yeah yeah yeah yeah (yeah)
Kelan ba ako tunay na sasaya
Tuluyan nang nawawala'ng aking pag-asa
Ipipikit ko ang aking mga mata
Mahabaging ama Kelan ba
Oh Kelan ba Kelan ba Kelan ba
Kailan
Kelan ba tunay na sasaya (yah Kelan ba sasaya)
Maging malaya sa takot at pangamba
Ah nah yeah yeah
Dami nang pinagdaanan (daming pinagdaanan)
Na 'di ko inaasahan na malalagpasan
Ah nah yeah yeah (ayy ayy)
Ipipikit ko ang aking mata't
Mananalangin sa mahabaging ama (mahabaging ama)
Ah nah yeah yeah yeah woah (kelan)
Kelan ba tunay na sasaya (Kelan ba sasaya)
Maging malaya sa takot at pangamba
Ah nah yeah yeah yeah yeah