pablo presyon şarkı sözleri
Kamusta na kay tagal ko nang nag-oobserba
Gabi-gabing nagtataka ba't ba gano'n-gano'n na lang sila
Tinanong ko sa kaniya ang sabi niya
'Di ko alam pero magbabayad sila
Mm pasensya na matindi'ng dinanas niya
Pinulupot ang lubid sa leeg ng kaniyang kaluluwa't
Sinabit sa puno ng pamantayan nila
Habang pasan ang bigat ng bawat panghuhusga dama mo ba
Oh sige 'eto na umpisa pa lang meron na 'kong babala
'Di ko kasalanan ang sunod na kaganapan kayo rin naman ang nagpunla
Tuwid ay binaliko nag-balat kayo sa kabila ng mga pasang mala-tattoo
Nang sa ga'no'y walang dumanak na dugo galing sa inosente na pikit-bulag kuno
Kasinungalingan mga paratang na wala namang kabuluhan
Galing sa boses na walang paninindigan
Kahit pa ituring mong kaibigan
Pipiliting paghaluin ang balat sa mga tinalupan pwes
Ito na'ng oras ng paniningil 'di na muling pasisiil
Magpipigil lang kung katotohanan na ang kikitil
Mata sa mata (mata sa mata)
Pangil sa pangil
Pinsalang ginawa
Ngayon ay harapin
Ramdam na ba ang presyon
Ramdam na ba ang presyon
Handa ka na ba sa mga bunga ng 'yong aksyon
Ramdam na ba ang presyon
Ramdam na ba ang presyon
Wala ka nang magagawa pa
Lumipas ang araw nanatili sa'king kahon
Ilang taong nakagapos naghihintay sa panahong
Ako ay makalaya sa sariling pagkakakulong
'Di ko kailangan ng tulong kasi mas kailangan niyo 'yon
Pinili kong manahimik kahit ang kaluluwa'y gutom
Nilayo ang sarili dahil nga alam na alam kong
Wala akong ideya sa kung hanggang sa'n kaniyang tugon
Ngayong basag na'ng katahimikan damhin mo ang presyon
Malugod akong kinawit kasunod noo'y panlalait
Hugot-saksak sakaling pumagitan pa ang langit
Mga ganid ba't sa halip tuldukan kahihiyan at ang pasakit
Alulod ko'y pinuno niyo ng galit
Ang tugon 'lang katapusang panunumbalik
Ah malala ang lagay niyo ngayong nakawala
Na 'ko sa'king tanikala pati saklolo balewala
Wawasakin tronong tinayo niyo na gawa sa mga hinanakit ko
Balahibo tatayo sa gagawin ko
'Etong hatol ng 'di hurado kung 'di ng isang pinagkanulo
Mata sa mata
Pangil sa pangil (yeah)
Pinsalang ginawa (iyong ginawa)
Ngayon ay harapin (harapin)
Ramdam na ba ang presyon
Ramdam na ba ang presyon
Handa ka na ba sa mga bunga ng 'yong aksyon
Ramdam na ba ang presyon
Ramdam na ba ang presyon
Wala ka nang magagawa walang konsiderasyon
Ramdam na ba ang presyon (ramdam na ba)
Ramdam na ba ang presyon (ramdam na ba)
Ikaw naman ang may gawa 'eto ang 'yong leksyon
Ramdam na ba ang presyon
Ramdam na ba ang presyon
Wala ka nang magagawa pa