r1ck kung ako yan (feat. 1550 collective) şarkı sözleri
Ate kung ako sayo iwanan mo na 'yan
Pag ganyang manloloko ay hindi 'yan kawalan
Ang tigas ng ulo mo pang ilan naba yan
Loko talaga yang jowa, nako kung ako yan
Ba't 'di ka pa ba makaramdam
Wala ka na bang pakiramdam
Ilang beses ka nang nag damdam
Ikaw lang din mahihirapan, yeah yeah
Napaka-grabe naman ng lalake mo
Pag tapos ng lahat lahat bigla biglang lalayo
Minsan isipin mo 'din naman kasi 'yang sarili mo
Kala kasi nila ay palaging okay lang sa'yo
Yan tuloy inaabuso ka, hindi ka na talaga nadala
Matuto kang mag isip isip, kung ikaw pa ba o hindi na
Kaya kung ako sa' yo, lalayo na lang ako
Kaysa maghabol sa taong manloloko
Kung nasa'kin ka lang mararamdaman
Mararanasan mo kung papano pahalagahan
Hindi ako tulad ng iba dyan
Tinanggap na ng buo masyadong abusado 'di pa maka-ramdam
Naaalala mo lang ako kapag sya sa'yo walang gana
Sinabi ko naman wag pilitin lalo kapag hindi kaya
Masasaktan lang ang puso lalo 'pag inaabuso
Lalo kang maiinis pag inisip ang minahal ay tuso
Mga pinangakong hanggang dulo tila hinipan na ng hangin
Ang hirap magpaka-siguro at lumagay sa alanganin
Kung talaga kang para sa'kin kahit 'di na ako hanapin
Nasa likod mo lang palagi nakahanda ka na bawiin
Sa ngayon malabo pa maging akin ka, hanggang kailan tatagal
May mapapala pa ba kung mag patuloy parin na sayo sumugal
Dahil alam ko naman na dito ka mahilig, mahalin ang taong di ka naman na pinili
Sa huli palagi nalang ako naiipit, taga salo lagi ng sawi sa pag ibig
Ate kung ako sayo iwanan mo na 'yan
Pag ganyang manloloko ay hindi 'yan kawalan
Ang tigas ng ulo mo pang ilan naba yan
Loko talaga yang jowa, nako kung ako yan
Ba't 'di ka pa ba makaramdam
Wala ka na bang pakiramdam
Ilang beses ka nang nag damdam
Ikaw lang din mahihirapan, yeah yeah
Ate 'di mo ba ramdam na sinasayang ka nya
Sa t'wing galit ka tingnan mo hinahayaan ka pa
O payo lang 'wag nang magda-dalawang isip pa na
Iwanan mo na 'yan sige 'wag nang magpaka-tanga
'Di naman sa nangingielam, pano pag hindi kayo magkasama
'Di mo alam baka may iba na pala 'yang inaayang makama
'Di ka pa ba nagsasawa? 'di ka na nga tinatawag
Pansin mo ba kapag sa tuwing nakainom lamang sya tsaka ka hinahanap
Dami pang lalaki sa paligid mo, yung 'di sasayangin ang pag-ibig mo
Tipong ituturing ka na parang 'di ka kayang mawala, mawalan man sa isip 'to
'Di katulad ng ginagawa nya binabalewala ka ang sakit sa'kin na isipin 'yon
Kung sino pa yung ginusto mo ay siya pa mismo yung malabo na mapasayo, ba't ganon
Di ba nung una palang hindi mo pa ba alam
Na yung lalaking 'yon ilang beses ka lang sasaktan
Kasi ako na nandyan napaka-manhid naman
Ayan tuloy yung puso mo iniwan niyang sugatan
Kasi ako na lang sana dadalhin ka sa dambana
Buhay natin masagana habang buhay liligaya
Pagod hindi alintana 'pag ikaw aking kasama
Kaya ako nalang sana, ugh yeah
Di ba sabi ko sa'yo lagi lamang nandirito
Malabo kitang iiwan may sukli pa pag ngiti mo
Hindi ka mabibigo basta para lang sayo
Gagawin ang nararapat kaya ate ate ate
Ate kung ako sayo iwanan mo na 'yan
Pag ganyang manloloko ay hindi 'yan kawalan
Ang tigas ng ulo mo pang ilan naba yan
Loko talaga yang jowa, nako kung ako yan
Ba't 'di ka pa ba makaramdam
Wala ka na bang pakiramdam
Ilang beses ka nang nag damdam
Ikaw lang din mahihirapan, yeah yeah
Talagang mali kahit saan mo tignan
Yung lalaki mo hindi ka magawang pakinggan
Sa nadarama mo ay wala syang pakiramdam
Sa mga dinadala mo 'di sya makaramdam
At kitang kita mo naman kasi na mali
Ano bang pinakain nya sa'yo ba't ka ganyan ka baliw
Sadyang tarantado talaga 'yang jowa binibiyak ka ng husto
Yan yung mga tipo nang lalaki 'di pagkakatiwalaan agad agad na matutukso
Kung ako sayo, sa'kin ka na lang nga 'di kita paluluhain ako'y handa
Naka-handa kang pag laban hindi mo na mararamdaman ang mga sakit
Kapit ka sa'king kamay hindi nya ko kagaya pangako na walang kabit
Di katulad nya lagi kang sinasaktan 'di ka pa makaramdam
Puro latay ka pero ba't dinadamdam lagi mong sinasakyan
Sadyang tarantado talaga 'yang jowa 'di ka na natuto
Ba't di ka ba makaramdam? 'di mo dapat yan nadadama
Daming karapat-dapat dyan, halika nga
Sa kaka-antay mo ay nag mu-mukha ka nang tanga
Di na mag-babago yan halika na
Di naman sa nangingielam ako ohh
Gusto ko lang malaman mo ang halaga mo
Kung nahihirapan ka ay nandito lang ako
Kasi kung ako yan, hindi mo 'yan matatamo
Sinasabi ko sa'yo
Palagi mo akong maaasahan
Hinding hindi ka iiwanan
Hindi kita pababayaan
Di katulad ng ginagawa nyan
Ate kung ako sayo iwanan mo na 'yan
Pag ganyang manloloko ay hindi 'yan kawalan
Ang tigas ng ulo mo pang ilan naba yan?
Loko talaga yang jowa, nako kung ako yan
Ba't 'di ka pa ba makaramdam
Wala ka na bang pakiramdam
Ilang beses ka nang nag damdam
Ikaw lang din mahihirapan, yeah yeah yeah

