ra dikal magnacum nakaw şarkı sözleri
Mga mata nila'y mayrong piring, hindi nila pansin ang hirap natin
Mga tenga nila'y mayrong busal, hindi nila dinig hinagpis natin
Pikit matang nagsasaya, sa perang hindi kanila
Hindi natatakot, hindi nahihiya,manhid nga ba sila? matibay ang mukha
Ng mga walanghiya
Imulat ang mata titigan mo sila mga taong magnanakaw
Tayo'y magka isa lipulin sila ang mundo ay gaganda
Silang malulupit dapat mapiit, hindi sila bagay sa langit
Mala palasiyo ang bahay niyo, ngunit sa loob ay impiyerno
Mga hardin na ubod ng ganda pero sa puno mayrong sawa
Pikit matang nagsasaya kaban ng bayan inaksaya
kawawa si anak hindi niya alam sa nakaw galing pagkaing naka hain
Imulat ang mata titigan mo sila mga taong magnanakaw
Tayo'y magka isa lipulin sila ang mundo ay gaganda
Silang malulupit dapat mapiit, hindi sila bagay sa langit
Imulat ang mata titigan mo sila mga taong magnanakaw
Tayo'y magka isa lipulin sila ang mundo ay gaganda
Silang malulupit dapat mapiit, hindi sila bagay sa langit
Mga magnanakaw maawa kayo sa maliliit
Wala kayong lugar sa langit

